Love Hexagon?
Kylie's POV
"OH MY G! MY EYES! MY EYEEEESSS!" Patili kong sigaw, my God.
Mga dalawang oras lang akong na wala at ganito na ang madadatnan ko? I can't believe this kabayong buntis!
Hindi na nga virgin ang kamay ko dahil sa condom, tapos gan'to pa madadatnan ko? Tarages telegez!
Nakahalera lang naman kasi sila sa sofa at sa sahig at SHEYT NA MALAGKEYT! Paano ba naman may... GOD! I can't explain it. Basta 'yung babae kulang na lang mahubadan pero sila ang aayos ng itsura, buhok lang ang magulo. At mukhang mga foreigner ang mga babae, siguro sanay na sila sa ganito.
Kaya nung sumigaw ako ay dali-dali akong tumalikod at nagtakip ng mata. Pero pansin ko wala si Cedric at...Zack?
"Who is he... or she? James," Nagtatakang tanong nung babaeng haliparot na nakakalong ngayon sa hita ni James ng makaharap ako sa kanila. Yuck, walang taste ka tol, eww...
"He's my...my f-friend?" Nag-aalinlangang sagot nito. Halata sa boses eh.
"He's a he? I thought he's a girl," Na pa harap naman ako dahil sa sinabi nung babae nakita kong nagkibit balikat si James.
"Where's Papa Zack, babe?" Tanong naman ng babaeng kulang sa tela pero sobra-sobra sa make-up.
Papa? May anak na pala si Zack. Tsaka naghihirap na ba 'tong babaeng 'to?
"Yah, even Baby Cedrick is not around, babe," Sabi naman ng babaeng amoy ng amoy sa leeg ni Jameson. At tumayo silang tatlo.
Ha! Ito pala ang nanay ni Cedrick. Kainis!
Nang tumayo sila doon ko lang na pansin na bukod sa matangkad, maganda, at may 'you know' may magandang hinaharap, eh mukhang nasa mid 20's or 19 and above na sila.
Nagpaalam naman sila sa mga BABY at PAPA or FAFA nila.
Yuck ang ko-corny nila. Like duh, PAPA ZACK. Ano 'yun anak niya si BABY CEDRICK tapos NANAY niya si JAMESON tapos KABIT si JAKE na ASAWA si JAMES? Eww ang corny... But why I'm so OA? Tsk...
Napa-iling na lang ako dahil sa kung anu-anong iniisip ko.
"Tsk, ganito na ba kahirap ang Pilipinas at kinakapos na ng tela. Pero, somobra yata sila sa paggawa ng make-up?" Sarkastiko kong sabi at umirap kahit alam kong hindi pa alam ni Jake ang tungkol sa pagpapanggap ko. Nakita ko pa ang pagngisi nila even Jake and the three bitch girls smirk at me.
"Ohh, mukhang may nagseselos ah." Parinig ng kalampungan ni Jake kanina, mukhang nakaka-intindi ng tagalog ang bruhilda. At base sa uniform nila taga-SU sila. I can't believe this! Ang babata pa nila pero ang haharot naaa!
At umalis na rin sila bago humalik sa pisngi ng mga ito at saktong paglabas nila ang pagpasok ni Zack, at ang pagpasok naman ni Jake sa kwarto na nagpaalam na tutulog na.
"Uyy may nagseselos, ayieee~!" Parang baklang sabi ni Jameson na sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.
"Huy, huwag ka ngang bakla," Sabi ko at pinaghahahampas ang braso ng kambal na ito. "Tsk, bahala kayo lalabas lang ako," Sabi ko ng tigilan nila ako. Nadaanan ko pa sa may sala si Zack na pinatay na ang TV. Siguro tutulog na siya.
Nang makalabas ako may nataw akong pigura ng lalaking nakaupo sa dalampasigan. Ngayon ko lang na realize na kaya pala mas gusto nilang matulog sa labas at mag tayo ng tent dahil maganda ang kalangitan, sobrang dami ng bituin at ang buwan, napakaliwanag. Hindi ko maiwasan mapangiti dhil may naaalala ako tuwing nakatingin sa kalangitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/176660821-288-k629932.jpg)
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Fiksi Remaja•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...