Dream
Kylie's POV
Nasa cottage na kami kasama ang ibang taga-dorm nag-aayos sila ng gamit dahil lahat sila ay nagtayo ng tent. Mag-i-stargazing daw sila kaya kaming anim lang ang na iwan.
Hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang panaginip ko.
Nung na lunod daw ako ay minouth-to-mouth resushungashunga daw ako ni Zack, nakakapangilabot. Maayos pa kung si Cedrick 'yon. Ay ang harot, HAHAHAH. Pero promise nakakapangilabot, nakakadiri, as in isang malaking YUCK!
"KYLE!"
"AY KALABAW!" Napahawak ko sa dibdib ko dahil sa biglang pagtawag ni Jameson sa akin. "Ano ba! Ba't ka ba nanggugulat?!"
"Ano ba iniisip mo?"
"'Yong halik ni Zac --- Naku po!" Napatakip ako sa bibig ko ng ma-realize ang mga na sabi ko.
"Ano?" Tanong ni James sabay turo sa tainga. "Parang na bingi ako."
"Ako rin brother parang sumakit 'yong tainga ko."
"Wala," Sabay wagwag ng dalawang kamay ko sa harapan ng mukha ko. "Bingi lang talaga kayo," At ngumiti ng pilit bago sumubo.
"Wala na akong gana," Napatingin kami kay Cedrick ng tumayo ito.
"Anyare do'n?" Tanong ko nagkibit-balikat naman ng kamabal. Maya-maya'y nagbukas uli ng panibagong topic ang magulong kambal.
Akala ba nila nakalimutan ko na ang pinagsasasabi nila sa hospital. Parehas lang naman sila, tsk.
"Kyle, kwento ka naman ng childhood life mo. Hindi mo na nga sinabi sa amin pangalan mo eh," May pagtatampo sa boses ni James. Natigilan ako dahil sa sinabi niya.
Childhood life? Hindi ko alam siguro hindi ko na maaalala dahil bata pa ako. Siguro nga. Pero...wala akong maalala kahit graduation ko no'ng grade 6 ako o kahit nung grade 7 ako, wala. Simula ng magising ako mag-aapat na taon na ang nakakalipas.
Sino nga ba ako?
Cedrick's POV
Pabagsak kong sinara ang pintuan.
Nakakainis! Pinagpapantasyahan ba niya si Zack? Bakit si Zack pa kung pwede namang ako?
"Teka, ako?" Napaturo pa ako sa sarili ko at napa-iling.
"Aray!" Impit kong sigaw. "Bakit kasi ang tigas ng pader? Ha! Nababaliw na ako dahil sa halik na 'yan," Napa-upo na lang ako at napatitig sa pader na sinipa ko.
Ano ba 'yang pinag-gagawa mo, Cedrick?
"Ay butiki!" Napatingin ako sa cellphone ko ng mag-ring ito.
"Hello!" Medyo na-iirita kong sagot.
"Hello pareng Rick!" Si Jake pala 'yong tumatawag.
![](https://img.wattpad.com/cover/176660821-288-k629932.jpg)
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...