Chapter Seventeen

26 5 1
                                    

Pageant

Kylie's POV

Habang nagsasalita ang Emcee ay tinitignan ko ang cellphone ko. Nagbabaka sakaling tumawag si Rylie... pero mukhang malabo na 'yun dahil siya ang contestant number one.

Aba't ang bruhilda hindi marunong mag sabi, tsk...

Sabi na nga ba at may tinatago ang pangit na ito eh. Tsaka sa tagal naming naging magkaibigan ngayon ko lang nalaman na sa Shion siya nag-aaral!

"Hahaha, bakit mukhang papel na ginasumot ang mukha n'an?" Tawang-tawa na sabi ni James na kulang na lang ay mag halupasay sa buhanginan. Umiling na lang ako nang walang pumansin dito kaya nanahimik na lang siya at ngumuso. Napapatingin din sa amin ang ibang estudyanteng nandito.

"Para kang pato James," At doon 'di napigilan tumawa ng mga damuho kaya lalo lang ngumuso si James.

Napatingin na lang ako sa unahan ng magsimula nang magpakilala si Rylie

"My name is Rylie Santos 18 years of existence. At nag-iiwan ng katagang 'ANG MAG SABING PANGIT AKO AY SIGURADONG 'DI MARUNONG TUMINGIN SA SALAMIN' and I thank you!" Ngiting demonyong pakilala ni Rylie.

Tsk, puro kalokohan ang alam, ay mali ka-kornihan pala. Tapos hindi pa magkaka-rhyme.

Pero aminin ko man o hindi bumagay sa kaniya ang suot niyang bathing suit. Isa itong one piece bathing suit na backless at may pa-cross na black sa harap na halos ilabas na ang kaniyang hinaharap.

Buti na lang wala akong marinig na masakit sa tainga mula sa kalalakihan.

Na baling ang atensyon ko ng marinig ang bulungan ng mga kolokoy sa tabi ko kaya binalingan ko ang mga ito.

"Ang baduy naman nang girlfriend ni Kyle, 'di marunong mag moto," Nakangiwing sabi ni Jake.

"Oo... oo! Ang lakas maka patingin sa salamin, kala mo maganda, pangit-pangit naman." Pagsang-ayon naman ni James na tinanguan ng lahat kaya 'di ko napigilan ang sarili ko at binatukan ko sila. Aangal pa sana sila ng umasta ako na babatukan ko ulit sila kaya tumahimik na lang sila.

"Totoo naman puro ka-kornihan 'yang si Rylie my loves."

Pwe, kadiri my loves my loves, yuck nakakasuka. Ako ang nasusuka sa pinagsasasabi ko eh.

'Di ko man lang na malayan na contestant number 3 na ang nagpapakilala.

"Hello everyone my name is White Shon 19 years old from 'D Kalayuan at 'D Kalapitan Street na nag-iiwan ng katagang 'DI MAN AKO KASING GANDA NI KYLINE, PERO BAKIT GANON? HINAHABOL-HABOL PA RIN NG NAKARA-RAMI?' and I thank you!" Pero bago siya umalis sa entablado ay napako ang paningin niya sa'min at kumindat.

Bagay sa kaniya ang pangalan niya, White. Maputi ito at bumagay sa kaniya ang black two piece bathing suit.

Kinig na kinig ko ang pag sipol ng mga kolokoy, pati pagtatalo nila rinig ko pero hindi ko na sila pinansin ng may pumasok na isa pang babae kung titignan may pagkakahawig silang dalawa nung na una sa kaniya. I think there are twins or sisters or blood related, I guess?

"I'm Shin Mendez, 18 at nag-iiwan ng katagang 'H'WAG KANG BITTER 'COZ I CAN BE YOUR MENDEZERT ' and Tenkyu."

"Whooooo galing mo talaga MENDEZ!"

"WHOOO EX ko 'yan."

At ano MENDEZert as in main dessert? At what the heck?! Anong nagustuhan nila diyan eh maganda lang 'yan kung tutuusin mas maganda pa ako diyan at ano daw Tenkyu? What the?!

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon