Chapter Thirty-six

25 5 0
                                    

Ice Cream!

Kylie's POV

Dito sa tabi ni kuyang mag-a-ice cream kasama ang batang kulugo. Ewan ko kung naka-ilang ice cream na kami pero isa lang ang sigurado ako --- LAGAS ANG MONEY KOOOO!

"Whaaa, kuya ita pa ngang ayt klim!"

Kita mo na? Kita mo na! Humihirit pa ng isa!

"Ohh, bata!" Magiliw na sabi ni kuyang sorbiteros at inabot ang tagbe-benteng ice cream na nakapalaman sa bans.

"Kuya ako rin, sa apa! Naka-ilan na po ba kami?"

Pinapanood ko lang si Krim na tuwang-tuwa sa ice cream, naka-upo kami sa guter habang si kuya naman ay nagtatawag ng bibili sa kaniya pero hindi na umalis sa pwesto namin. Kuya alis na kayoooo! Mahirap na nga ako lalo pa akong maghihirap!

"Oh ineng, naka-benteng tagbe-bente na 'yang kasama mo tapos naka-onseng tagte-ten ka at labing dalawang tagbe-bente."

"Gosh!" Buti na lang at na hawakan ko ng mabuti ang ice cream cone kung hindi ay malalaglag 'to dahil sa gulat.

"750 pesos ang lahat."

"Jusko, kuya! Parang naka-isa hanggang dalawang gallon ng ice cream na kami eh!" Naiiyak na talaga ako, huhuhu...

"Ayowt ang 'yan ate," At naramdaman ko ang maliit na kamay ni Krim sa likod ko, napayakap na lang ako dito. "Atlit na butog ako, hahaha!"

"Ayon na nga eh! Ikaw lang ang na busog!"

"Hahaha, sige 700 na lang bayadan niyo," At tumawa si manong na akala mo walang bukas.

"Mo lang kuya, mo lang! Ako lang ang magbabayad, huhuhu!" At kunyari ay umiyak ako with papahid-pahid pa ng invicible na luha. "Ayos lang kuya, baka mawalaan pa kayo ng kita," Dugtong ko habang suminghot-singhot pa. "Dalawa pa nga pong ice cream na tagte-twenty sa cup po, sprinkles po parehas ang toppings."

At ng mai-abot ang ice cream sa aming dalawa ay inabot ko naman sa kaniya ang two thousand na natitira sa wallet ko, may piso pa palang taong bahay.

Tumayo na kami at nagsimulang maglakad.

"Ineng sobra ang bayad mo!" Nagtinginan kami ng batang kulugo at tumango sa isa't isa na wari'y naiintindihan namin ang isa't isa at sabay na tumakbo.

"Sa inyo na po 'yan!"

"Hahahahaha---!" Sabay kaming tumatawa habang tumatakbo papunta sa kung saan man.

"Ha — ha — ha..." Napahawak na lang ako sa tuhod ko at naghabol ng hininga tulad ng batang kulugo na ito.

"Ang tyaya no'n ate!" Magiliw na sabi nito na hindi inaantala ang pawis na patuloy na lumalandas sa mukha, leeg, o sa buong katawan man niya.

Tinanguan ko na lang ito at umupo ulit sa guter.

"Ilang – ha – taon ka na ba?" Hinahapong tanong ko. "Whoooo!"

Sumignal naman ito at pinakita ang apat niyang daliri.

"Four ka na?!" Gulat na tanong ko dahil kung tutuusin ay dapat medyo tuwid na siyang magsalita, tinanguan lang ako nito at nagpunas ng pawis gamit ang kamay.

Buti na lang at hindi na siya nagsasalita, baka mahawa na ako ng tuluyan eh.

"Dito ka nga!" At hinila ko ang manggas ng damit nito papalapit sa akin.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon