Chapter Sixteen

24 5 0
                                    

Part of the Past


Kylie's POV

Day 4...

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Buti na lang hindi mabilis matanggal yung wig ko, kailangan pa naman mag-ingat dahil kay Jake. Na patingin ako sa katabi ko. Tulog na tulog, tinignan ko ang orasan, 6:42 na ng umaga. Kaya binalingan ko ito at niyugyog yung parte na walang sugat, syempre. Mabait naman ako kahit papaano.

Wow! Ikaw Ky mabait? It's a lie, HAHAHA!

"Jake gising na umaga na," Paggising ko at tinapik-tapik ang pisngi nito.

"Hmm..." Tanging tugon niya bago nagmulat ng mata.

Buti gumising na 'to dahil kung hindi hahampasin ko talaga ang mga sugat niya.

"Lumabas ka na lang pag kahilamos mo," Sabi ko at bago lumabas ay sinuklay ko muna ang wig ko at nagpapa-pogi sa harap ng salamin. Bawal mag paganda eh.

Maghahanda na sana ako palabas dahil baka hindi pa kumakain ang mga pangit ng tawagin ako ng kasama kong kupal.

"Kyle," napalingon naman ako dito.

"Oh?" Bored kong tugon.

"Iyong bracelet na nasa bag mo, sayo 'yon?" Sabay turo sa bag kong nakabukas.

Shems, baka makita niya 'yong mga gamit ko pang-disguise.

Tinakbo ko ang bag ko at dali-daling sinara.

"Ginalaw mo 'yung gamit ko?!" Pang-aakusa ko rito.

"Hindi ahh, nakita ko lang na bukas kaya sinilip ko," Depensa niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Oo, bigay sa akin ng kuya ko," Sagot ko sa tanong niya kanina.

Napailing na lang ako ng tinitigan ako nito, oo, titig talaga. At natahimik kami ng ilang minuto. At napapitlag ako ng may kumatok...

"Hoy kayong dalawa sa loob bumangon na at malapit na 'yong opening remarks ng S. U. kasama daw tayo!" Sigaw mula sa labas at kung hindi ako nagkakamali ay kay James 'yon. Matinis na nakakainis ang boses, eh.

"Oo palabas na!" Balik na sigaw ko. Ang hirap palang mag boses lalaki. Nakinig ko na lang ang yabag niya palayo kaya bumaling ako kay Jake, nagulat ako ng makita kong tapos na siyang maghilamos.

"Labas na ako, sunod ka na lang," Aniya at lumabas na.

Aba't ang pangit na 'yon iniwan pa ako, mastalang kanina siya 'yong iiwanan ko.





Rylie's POV




Habang nasa b'yahe nagulat ako ng may tumawag sa cellphone ko. Kaya sinagot ko ito ng 'di tinitignan ang pangalan nito.

Hindi kasi ako nakasabay sa bus kagabi, aba pagod kaya ako!

"Hello?" Bungad ko sa kung sino man ang tumawag.

"Hi Ry, sorry ngayon ko lang naalala," Sabi niya kaya na pa ngiti na lang ako ng maalala ko kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Salamat, ngayon ko lang din naalala its been twelve years when he past away," Malungkot kong sabi pero wala nang luhang pumapatak.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon