Chapter Thirty-three

23 5 0
                                    

Mission

Kylie's POV

"Kylie, ayos na ang lahat. Na sa mga pwesto na sila," Rinig ko mula sa ear piece na nasa kaliwang tainga ko. Nandito ako ngayon sa isang mataas na puno at minamanmanan si Mister Chan.

Na sa loob na din ang iba naming tauhan; maids, gaurds, and cook. At kami namang apat kasama ang ibang red enforcer ay nasa labas at naghihintay lang ng tamang pagkakataon.

Gamit ang sniper ay sinipat ko kung ano na ang ginagawa ni Chan, at bingo! Binuksan na niya ang brief case at kita ko ang mga alahas at diyamante na ninakaw niya lang rin naman.

"Ito na ba lahat alahas na kinuha kay Shiruke?" Rinig kong sabi ni Chan sa kaniyang kanang kamay.

Sunod ko namang sinipat 'yung gaurd na nasa pintuan na siyang tauhan namin na dahilan para marinig ang sinasabi ni Chan.

"Yes, boss! 'Yung mga baril naman po dinaretso na sa basement," Sabi ng kanang kamay nito.

Napapahikab na lang ako dahil pasado ala-una na.

"Sleepy?" Boses ni Yui.

"Yah," Maiksing tugon ko dito at muling napahikab. Tinanaw ko naman sina Rylie na napatingin din sa gawi ko, tulad ko na sa isang puno rin siya nakasabit na parang unggoy hahaha.

"Eh 'di matulog ka pakialam namin," Napapa-irap na lang ako dahil sa sinabi nito at sa naririnig kong hagikhikan.

Mga baliw talaga. Ewan ko ba kung paano ko natagalan ang mga 'to, mga bully eh!

"Let's go Mister Chan. Malapit na po ang flight niyo," Ng marinig ko ang mga katagang iyon ay ito na ang naging hudyat namin.

Mula sa kinaroroonan ko ay sinipat ko si Chan gamit ang isang Special Sniper Rifle VSS Vintorez na may silencer. Tinarget ko ang ulo nito and then boom! Headshot! Sunod kong tinarget ang kanang kamay nito na halatang gulat na gulat kaya bago pa siya makabunot ng baril ay inunahan ko na siya.

Si Rylie naman ay binabaril din ang ilang tauhan mula sa loob na natatanaw namin.

"Ayos na. Linis na ang front door," Narinig ko pa ang pag-ihip ni Sam sa baril niya ng sinabi niya ang mga 'yon.

"May problema tayo sa back door," Nangunot ang noo ko dahil sa siabi ni Cely. Paano nagka-problema?  "Nakatawag ng back-up bago pa namin na baril ang isa sa kanila," Napamura na lang ang iba dahil sa sinabi nito.

"Ayos na sa loob. Naitago na namin ang mga kasambahay at ang tungkol sa alahas..." Bigla kaming na tense dahil ito na ang pinaka-inaabangan namin. "... hawak na namin kasama ang ibang team," Nakahinga kami ng maluwag dahil sa ibinalita ni Yui, nakarinig pa kami ng ilang putukan bago sila makitang papalabas na.

"SH*T! Parating na ang mga tauhan ni kupal," Napapasaltak na lang kami sa binalita ni Cely.

"Pahamak ka talaga Cely," Reklamo ko bago bumaba ng puno at tumakbo papuntang back door.

"Uy, hindi na bitter ang ate mo girl! Dati ayaw mong tinatawag si Princely, ngayon? Tsk, tsk, tsk!" Napapa-irap na lang ako sa sinabi ni Yui na sinang-ayunan ng lahat at siyempre na ngunguna na doon ang supported kong friends.

"Ay sige ipaalala niyo pa mga hinayupak na 'to! Itakbo niyo na 'yang mga nakuha niyo, kami ng bahala sa mga 'to," Wala na akong narinig na sagot at tanging mga putukan na lang at tunog ng makina.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon