Text
Kylie's POV
Day 7...
Kasalukuyan kaming nag-aayos para sa pag-alis namin dito sa Cavite. Bukas na ang lipat namin sa S. U. at ang iba naman ay sa ibang paaralan.
Habang na sa byahe 'di ko makalimutan ang nangyari kagabi, nung sinabi ko ang consequence dahil sa ginawa nila. Though, I don't think kung consequence ba talaga 'yon.
•~•~•~•~•
"Hoy, Kyle ba't ka pinatawag ni Mrs. Frincifal?" Hindi ko maiwasang mapa-irap dahil sa sinabi James.
Tengene, ang lupet ano daw Frincifal? Aba na adik sa 'F' ang kulugo na 'to. Tsaka akala ba nila nakalimutan ko na 'yung punishment nila? Tsk.
"Tsk, may pinapagawa lang si Mrs. Anne," Sabi ko bago umupo sa kawayang upuan. "Tsaka anong Frincifal? Bawas-bawasan mo nga ang pagkaing may 'F' like Finakbet, at Fancake. Para magkasound 'P' naman yung bibig mo kain ka nang 'Pish'," Pang-bubuska ko dito na ikinabusangot nang mukha niya, at ang mga kulugo naman, ayun tinawanan pa.
Wow, Kyle---este Kylie parang ikaw hindi nagkakamali sa sound ng 'F' at 'P', ah. Minsan nga pati 'V' at 'B' napagpapalit mo eh. Kasalanan ko bang magkaka-sound sila?
"Lahat kayo pila! Sasabihin ko na ang funishment niyo," Gusto kong tumawa dahil sa mukha ni James na namumula, pero kailangang pigilan baka sabihin eh close-close na kami.
Nang makapila sila, muli akong nagsalita, "Jake, 'di ka kasama sa bibigyan ko nang consequence pero may ipapagawa ako," Seryosong sabi ko. Ngingising-ngisi siyang lumabas nang cottage at nagho-hoo yes pa siya palabas. Hindi ko maiwasang mapa-iling.
"Tutulungan niyo ako," Seryosong saad ko kaya biglang nagseryoso ang mukha nila. "Kailangan niyo akong tulungan sa misyon na inatas sa'kin ni Mrs. Anne."
"Ano ba 'yun?" Excited na tanong ni Jameson.
"Kailangan kong..." Pa-suspense tayo.
"Kooooongggg?" At kita ko ang kislap sa mga mata nila.
Lumapit ako sa kanila at ngumiti ng nakakaloko. "Kailangan kong...batukan kayo! Hayyyaaaa!" At isa-isa kong pinag-babatukan sila. Tumawa naman ako ng malakas dahil halos mapaluhod sila sa ginawa ko.
"Kyle naman eh!"BParang batang reklamo ni James habang nakanguso.
"Hindi mo na kami bati!" Nag-cross arm na sabi ni Jameson.
"Hindi mo na ako love!" Napatingin ako kila Ced at Zack dahil sabay nilang sinambit iyon, hindi ko maiwasang mapatanga.
Yieee, inieleg eke hehehe! Delegeng Pelepene yehh!
Nagkatinginan naman ng masama ang dalawa bago suminghal. Natatawang yumuko at nagtakip ng bibig ang kambal.
Tapos bumulong sila...no, hindi pala bulong kasi dinig na dinig namin. "Kasi tayo na love ni bebe Kyle, ahihihi!" Humagikhik pa ang kambal. Kaya ayon nakatanggap sila ng isang super batok sa dalawa.
"Ehem, ito na talaga," Nagseryoso na ako dahil seryoso naman talaga akong tao ako lang 'yung hindi sineseryoso. Tumingin naman sila sa akin at naghintay ng susunod kong sasabihin. "Kailangan kong magpanggap na nerd."
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Novela Juvenil•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...