Chapter Thirty-eight

22 6 1
                                    

Donation Hell: The Punishment

Kylie's POV

"Handa akong isangla ang lahat ng mayroon ako, huwag niyo lang ako paglinisin ng CCCCC----! RRRRR---!"

Wala... wala ni isa ang pumansin sa akin mula sa mga officer!

"Condolence po," Napatingin ako sa lalaking katabi ko na tulad ko paglilinis din ng C. R. ang nabunot.

"Salamat, huhuhu!" Tugon ko rito at kunwari'y umiiyak at tinapik-tapik ito sa balikat. "Condolence rin."

"Ayos lang po, kung tutuusin mas maswerte tayo sa iba."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pag-first timer, tulad natin, pwedeng magsama ng kaibigan at isang punishment lang ang bubunutin. Pero pag mga second timer na..." Sabay turo sa nakahiwalay na estudyante na kinakausap ng mga officer. "... dalawa na ang bubunutin punishment, isa sa donation hell at isa sa S-punishment, S stands for SSG and Super."

Napatango-tango naman ako sa paliwanag niya.

"Hindi nga sabi eh! Second time ko pa lang!"

Napalingon kami sa isang lalaki na nagwawala sa isang tabi kausap ang dalawang officer na lalaki.

"Ayan naman si Juno, pangatlong late na niya kaya siya ganiyan."

Nalilitong napatingin ako dito, ang O. A. naman ng Juno na 'yon. Paniguradong tatlong punishment lang naman ang bubunutin niya.

"Kung nagtataka ka kung bakit siya nagwawala kasi panunumpain siya sa harap ng marami ngayong lunch at bukod doon lahat ng na sa donation hell ay gagawin niya sa buong linggo at bubunot siya ng tatlo sa S-punishment," Na panganga na lang ako sa sinabi nito at biglang nahabag sa kalagayan ng Juno na 'yon, sigurado naman akong may malalim siyang dahilan para ma-late.

Pero grabe naman ang punishment niya, tsk, tsk, tsk.

"Kyline Shion!" Napalingon ako kay ate girl na tumawag sa akin.

"Ikaw na ang susunod."

"Susunod saan?"

"Sa bubunot kung ilang oras, araw, linggo, buwan, o taon mo gagawin ang punishment."

"Ha?" Makalaglag panga talaga ang narinig ko mula rito sa madaldal na lalaking 'to.

"Buti nga't paglilinis lang ang nabunot natin ang iba pure kalokohan, tulad no'n!" Napatingin ako sa tinuturo niya.

"Bakit siya gumugulong?"

"Panigurado ang nabunot niyan ay gumulong pabalik-balik sa corridor para malinis ang sahig."

"Tanga ba sila?" Hindi makapaniwalang tanong ko rito habang pabalik-balik ang paningin sa gumugulong at sa katabi ko.

"Ewan, kaya sabi ko sayo swerte pa tayo at matino ang nabunot natin," Tumango-tango naman ako bilang pag sang-ayon.

"Kyline!"

"Ayan na po!" Balik sigaw ko sa officer at patakbong lumapit dito.

"Bunot na," Habang nakalusot ang kamay ko sa butas ay hinalo-halo ko ang laman at namiling mabuti, kinapa ko rin dahil baka may makuha akong clue kung anong number nito.
Pero bigo akong makahanap ng clue.

Bigo na nga sa pag-ibig pati ba naman dito?

"Swerte mo at isang punishment lang ang pinabunot sayo pero dapat dalawa," Nagtatakang napatingin ako dito, bakit naman dalawa? "Dalawa dahil hindi ka naka-proper uniform."

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon