That girl
Jameson's POV
Naglalakad na kami pauwi ni kambal ng may tumawag dito.
"James!"
"Uy Lance, bakit?" Tugon ni Kambal bago nakipag-apir.
"Hindi ba't partner tayo sa music? Balak ko sanang yayain kang magpractice," Tumingin ito sa akin at binati ako.
"Ow shookt, oo nga pala," Bumaling ng tingin sa akin si James. "Una ka na 'bal sa aking umuwi, magpa-practice lang kami."
"Sige, pero uwi agad ha?" Tumango ito bago nagpaalam sa akin.
Naglalakad ako pauwi dahil malapit lang naman 'yung school sa condo na inuuwian namin, tama namin kasama kasi ang ibang tropa eh.
Habang naglalakad ay may nakita akong tindahan ng stuff toys at naagaw ng isang pusang stuff toy ang pansin ko. Ang cute kasi, color white na may parang hugis buwan sa noo dahil sa spots na nabuo. Pumasok ako sa store at binili.
Teka...aanhin ko naman 'to?
Nagsasayang lang ako ng pera dito eh, tsk. Pagkalagay ko nito sa bag ay lumabas na ako ng store, ng may matanaw ako sa hindi kalayuan isang babae, taga-S. U. din siya basi sa uniform.
Ang uniform kasi ng mga babae ay long sleeve na white na may tatlong linings ng gold sa dulo ng manggas at may logo ng S. U. sa kaliwang dibdib at necktie na black na may linings din ng gold at may naka in bold na S. U., paldang black na may lining naman ng white sa baba at belt na navyblue, hindi naman maiksi ang palda saktong tuhod oh below the knee ang haba kaya pabor sa hindi nagsusuot ng maiiksi.
Ang sa amin namang mga lalaki ay polo shirt at tulad ng sa girls may lining na gold sa manggas at necktie din, may black blazer coat din na kung saan nakalagay ang logo ng school sa kaliwang banda at may lining na white sa kwelyo at navy blue slacks. Wala 'yun lang 'yon, HAHAHA!
Buti na lang at dati kaming estudyante ng S. U. kaya sinuot na lang namin ang dati naming uniform pero 'yung I. D. eh pang-A. B. A. pa din, ang iba namang estudyante na taga-A. B. A. na hindi taga S. U. dati ang suot ay ang uniform namin sa A. B. A..
Napataas ang kilay ko ng makilala ko ang babae si Kyline. Hindi ko na sana ito papansinin ng may tumigil na magarang sasakyan sa harapan niya. Napatago ako ng makitang tumingin-tingin ito sa paligid. Ng muling sinilip ko siya ay pasakay na siya ng sasakyan. Tumayo ako ng tuwid at tinanaw ang sasakyan.
Saan kaya 'yun pupunta? Tsaka 'di ba scholar daw 'yun? Malabo namang kidnapping dahil kusa siyang pumasok. Hmmm, lalong nataas ang hinala ko na impostora 'yun.
"Hoy!"
"Ay kabayo! Ano ba?!" Sigaw ko kay Kyline na biglang sumulpot sa likod ko.
"Sino ba ang tinatanaw mo dun?"
"Si Kyline----- te-teka, paanong...hindi ba't? Shit!" Bakit gan'on nakita kong umakay siya sa kotse tapos nandito na siya sa likod ko? Paanong nangyari 'yon?
"Huh? Eh, nasa likod mo ako eh. Paanong na punta ako dun," At nginuso ang tinitignan ko kanina.
"Arghhhh, ewan!" Napasabunot ako sa buhok ko.
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Roman pour Adolescents•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...