Chapter Forty

25 5 0
                                    

Anak?!





Kylie's POV




"Oh, K, na saan si Kyline?"

"Umalis po may ginagawa pong video, mamaya pa po ang uwi no'n. Bye po!" Mabilis na tugon ko at walang sabi-sabing hinila patakbo ang batang kulugo.

Si tita Camia kasi eh, bigla-biglang na sulpot tapos gano'n pa ang tanong.

Baka nakakahalata na 'yon?! Si tita Anne kasi panusot kung anu-anong drama sa buhay pati ako nadadamay, tsk!

"Ate, alayo pa tayo?"

"Hmm, malapit na pooo!"

Hays, sana kung saka-sakali mang magka-anak ako sana hindi ganito kadaldal! Baka ito pa ang ikamatay ko eh dahil sa konsumisyon!

"Ate, alayo pa tayo?"

"Oo!"

Gosh, padalwang tanong na niya 'yan at sana wala ng sumunod pa. Ilang kanto na lang rin naman ang lalakadin namin eh.

"Ate, alayo pa tayo?"

"Hindi, malapit na! Huwag ka ngang pa-ulit-ulit ng tanong!"

Hays, buti na lang na uso ang pang-kulay ng buhok baka kasi puro puti na ang buhok ko dahil dito.

Tanaw ko na ang café kaya lumiban na kami sa kabilang parte ng kalsada.

"Ate, alapit na tayo?"

"Ano ba?! Sabing huwag paulit-ulit!"

"Indi ko aman iuulit anong ko eh!"

"Arghh! Ini-stress mo ako ah! Ayun oh! Ayon na 'yung café!"

Grrr! Kita niyo na?! Kita niyo na?! Ayos lang naman sana kahit sobrang daldal niya ang kaso bulol siya eh! Ang hirap intindihin, jusko! Ibabalik ko na 'to sa tatay niyang baliw na ipagkatiwala ba naman ang anak sa bagong kakikilala lang!

"Uy, besh tignan mo oh! Ang cute tignan nung magkapatid."

Bahagya kong nilingon ang dalawang babae na naka-pwesto malapit sa pintuan ng café.

"Mukhang mag-ama kaya! Tignan mo oh parehas pa sila ng suot!"

Sino naman kaya ang sinasabi nilang mag-ama?

"Tara doon sa isang table, baby bulol." Bulong ko kay Krim at tinuro ang pwesto malapit sa counter.

"Kyaahh! 'Di ba waiter siya dito?!"

"Whaaa! Oo nga, bilis tawagin mo sabihin mo o-order tayo!"

Okay, kilala ko na kung sino ang pinagbu-BULUNGAN nila.

"Grabe ang hirap maging gwapo, tsk!"

"Ano abi mo, kuya?"

"Wala! Sabi ko bulol ka."

"Indi ako bu---"

"KYLE!"

"Oy, Ger---"

"Lagot ka!" Naputol ang pagbati ko kay Gerald ng akbayan ako nito at padarag na pinalakad papunta sa office.

Teka office?

"Hoy, bakit mo ako dadalhin sa office?!" Naguguluhang tanong ko at bahagyang nagpumiglas sa pagkaka-akbay nito.

"Lagi ka daw kasing late kaya yari ka!" Sumignal pa ito gamit ang kamay habang binibigkas ang salitang 'lagot ka' ng pa-ulit-ulit ngunit walang na labas na boses.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon