Chapter Three

59 8 5
                                    

Who's back?

Zack's POV

Nakain na kami ng mapansin namin na tino-torture ni Kyle ang pagkain niya.

Problema nito?

"Hey? Are you okay?" Sabi ni Cedrick habang wini-wave 'yung kamay sa harap niya.

"Yah," Simpleng sagot nito at kumain.

Nag-ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Napansin kong tinignan din ni Kyle ang phone niya.

Tsk, parehas pala kami ng ring tone, What Becomes Of The Brokenhearted by Jimmy Ruffin.

Bakit ko ba pinapansin ang isang 'to?

"Hey! Sup bro?"

"Who are you?" Nagtataka kong tanong. Unknown number nga kasi.

"I'm your greatest nightmare. I'm Red." At tumawa ito nang nakakaloko.

"The fudge?! Niloloko mo ba ako?!" Hindi ko mapigilang sumigaw. Hindi ko na lang pinansin ang mga napapatingin sa pwesto ko. I know, I'm handsome.

"Ang init ng ulo mo ako 'to, ang pinakamamahal mo si Jake."

"Ulol! Akala ko kung sino na. Bakit ka napatawag?" Nagtataka kong tanong.

"Pasundo ako mamayang 3 o'clock sa airport uuwi na ako. Bye!"

Aba't ang loko pinatayan ako ng tawag.

"Sino 'yun?" Nagtatakang tanong ni James.

"Si Jake nagpapasundo."

"Ah." At tumango-tango sila.

"Tsk, sa'n tutulog si Kyle?" Biglang tanong ni Cedrick.

"Aba malay ko sa inyo." Pa-irap na sagot ko.

"Ipag-order niyo na lang si Kyle ng kutson para kahit papaano may matutulugan siya." Suggestion ni Jameson.

"Yeah, that's a good idea. Right Kyle?" Pag-sang-ayon ni Cedrick at bago balingan si Kyle.

"Ha? Ah eh oo masarap naman siya." Sagot ni Kyle na ikinatawa nila.

Napa-tss na lang ako. Wala naman kasing nakakatawa.

"Ice is back. Paniguradong puro katarantaduhan na naman gagawin no'n." Bulong ko pero paniguradong narinig ni Kyle dahil bahagya itong tumingin sakin.

"Ice? You mean?" Kunot-noo ko ito tinignan at tulad niya ay naka-kunot noo rin ito. Bahagya pa itong umiling na tila may inaalala. "Nothing... So, hindi tuloy punta dito ng girlfriend ko?"

"No, tuloy pa rin ia-adjust lang natin. Mga five mo na siya papuntahin." Sagot ni Cedrick dito.

"Okay."

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon