Chapter Twenty

22 5 0
                                    

New Mission!

James's POV

Halos magdadalawang oras na nang umalis si Kyle dito sa cottage. Kaya ito kami nag-iintay ng biyaya.

Wala naman kasing marunong magluto sa amin eh, meron pala kaso tamad. Kaya pumunta ako sa mini ref dito sa kusina, at pagsinuswerte ka nga naman may isa pang slice ng chocolate cake. Baka natira ito kahapon. Kaya kahit hindi ako nakain ng chocolate mapipilitan ako, huhuhu. Para sa ika-uunlad ng aking ka-macho-han, kakainin ko na ito. Pumunta ako sa pinakasalas nitong cottage at 'yung mga kasama ko mga gutom din 'ata.

Huhuhu, si Kyle ang hulog ng langit dahil sa kaniya na katikim kami ng iba't ibang putahe.

Nang umupo ako sa sofa ay tinikman ko agad 'yung cake. "Whaaa! Ang sharap talaga magbake at magluto ni Kyle," Geez, ngayon na lang uli ako nakakain ng matamis, ayt kahapon pa pala. Kaso hindi ko feel 'yung kahapon eh.

Nagulantang ako nang may humila ng platitong may cake.

"Wuy, akin na 'yan Jameson!"

"Uyy, ako ang nagtira n'an. Kaya akin 'yan!" Si Jake naman ang nakipag-agawan.

"Ako ang second commander kaya dapat akin 'yan!" Ngayon si Cedric na ang nakikipag-agawan, tapos ginamit pa ang ranggo ng lintek na 'to.

"Ako ang lider kaya salita ko ang batas. Akin na 'yan!" Ngayon si Zack naman?

"Sa ngalan-ngalan ng pagkain, 'di ako magpapatalo!" At ito na malapit ko nang makuha ng...

"Oh sayo na!" Sabay-sabay nilang sigaw sabay bitaw. Kaya nawalan ako ng balanse at tumilapon 'yung... "CAKKKEEEE!" Sigaw ko at parang biglang nag slowmotion ang lahat ng biglang bumukas ang pinto kaya 'yung pumasok ang nalaglagan ng CAKE...

"Patay," Na isa paloob ko na lang.

"MGAAA KULUGOOOO!"

Kylie's POV

Matapos ang party na hinanda nila para sa'kin...sa'min, ay pinasabi ni Mrs. Anne na tawagin na ang lahat para sa gaganaping programme at meeting para sa lahat.

Kaya masaya akong lumalakad with, "lalalalala~" ng paulit-ulit, hihihi.

Excited na ako para sa programme, ayyiieee. Wait, bakit naman ako magiging excited?

Nang pumasok ako ng cottage ay tatawagin ko na sila ng may biglang lumanding sa ulo ko at... Shit, 'yung isang slice ng chocolate cake na ginawa ko!

Kaya sa halip na nakangiting mukha ang sunalubong sa kanila ay unti-unti itong nagbago... "MGAAA KULUGOOOO!" Sigaw ko at humakbang ng mabilis papaloob, pinunasan ko naman ang mukha ko.

"PATAY!" Rinig kong sigaw nila.

Talagang patay kayo sa'kin mga hampas lupa! At talagang nagtago pa sila. Ang bibilis!

"Lumabas na kayo, dahil pag ako pa ang nakahanap sainiyo lalo kayong malalagot, bwahahaha!" At tumawa ako ng parang isang masamang kontrabida. Wait, masama na kontrabida pa, BWAHAHAHAHA!

"Whaaa Kyle maawa ka lalabas na kami!" Natatarantang sigaw ni James at lumabas.
"Uyy lumabas na kayo," Pilit niyang hinihila ang mga ito.

"Ikaw na lang James ayaw pa naming mamatay."

"Isa!" Na iinis kong sigaw. "Wala pa ring lalabas?"

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon