Dedicated to: warwriterhood
Planned
Zack's POV
"Hey, may napansin ba kayong kakaiba kay tito?" napatingin ako kay Jake dahil sa naging tanong nito.
"Hmm, parang may tinatago siya?"
"Parang na te-tense siya?"
Sabay na sabi ng kambal na patanong.
"Pero may napansin ako," sabi ko na naging dahilan ng pagtigil nila. "Parang may napansin akong babae sa may hagdan."
"Tang*na mo! Huwag kang manakot 'tol!"
Tinignan ko ng masama si Jake na kung makamura ay todo-todo. Ang lutong!
"Ang duwag mo talaga!" mapang-asar na sabi ni Jameson.
"Bakla amputs," dugtong ng kamabl nito na may nakakalokong tingin kay Jake.
"G*g* kayo!"
Napa-iling na lang ako ng magsimula silang magkasatan. Dumaretso ako sa sasakyan namin at dumaretso sa isang park. Susunod din naman 'yang mga 'yan kaya kahit hindi tawagin.
Pagkadating namin sa park ay agad kaming umupo sa damuhan.
"Bakit nga pala wala si Rick?" tanong ko ng maka-upo kami.
"May problema daw sa bahay nila," aagot ni James habang naka-tingin sa langit.
Tahimik lang kaming apat habang nakatingin sa kawalan.
Ini-isip ko kung anong koneksyon ni Kylie Sy kay Kyline Shion --- 'yung bagong Kyline Shion.
"Hay, nami-miss ko na si Kyle," sabay-sabay kaming napalingon kay Jake na nakayakap sa tuhod niya.
"Bakla na nga siya," tatango-tangong sabi ni Jameson.
"Confirm," dugtong naman ni James na pilit-pinapaliit ang boses.
"Tsk!" saltak ko ng panlisikan ng tingin ni Jake ang kambal at nag-asaran na naman.
"Naaay! Kyle pala, Jake ha?"
"Tapos pangalan ng loveteam niyo, JAYLE!"
Pero paano kung hindi talaga si Kyline at Kylie ang iisa? Paano kung si Kyle?
"Pwede!"
Dahil sabi ni Kyle noon na magpapanggap siyang nerd. Si Kyline isa siyang nerd, though nakasalamin lang naman siya.
Bakit ngayon ko lang naalala?
Si Kylie naman ay wala na dito sa Pilipinas, sa huling interview niya aalis na siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search sa twitter.
@iamkSylie, kung 'di ako nagkakamali ito ang gamit niyang username. Hindi sa stalker ako nakita ko lang sa isang magazine. Ang sexy niya do'n.
Madaming lumabas na fansclub niya pero hinanap ko ang may verification check, at 'di ako nagkamali agad ko din itong nakita.
@iamkSylie
Studying here at Kyoto University, AGAIN! And to be with my former classmates and friends.
Attakai kangei o arigatō!
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...