Chapter Twelve

36 5 0
                                    

Ryle?



Cedrick's POV

Hinihintay naming magising si Kyle 'ulit'.  Halos magdadalawang oras na simula no'ng na gising siya kanina.  Akala namin ayos na kaso bigla siyang sumigaw pinagtatapon din niya 'yung mga gamit na mahawakan niya buti na lang dumating 'yung mga nurse at 'yung doctor na nag-asikaso sa kaniya. Kahit sila nagtaka kung anong nangyari kay Kyle.

Napabuntong hininga na lang ako at tinignan si Kyle.

Pero ang pinagtataka ko hanggang ngayon hindi pa na balik si Jake. Baka nanla-lalaki na 'yon. Bakla 'yun eh. Pero hindi ko maiwasang mag-alala. Saan na kaya napadpad 'yon? Parang napakalayo nang bilihan dito ah.

Ilang minuto pa ay napansin kong gumalaw na ang daliri nito at dahan-dahang minulat ang mata. Ginala nito ang paningin sa buong silid at ng madako ang paningin niya sa akin ay bahagya itong ngumiti.

Lumapit naman sa'amin ang iba. Naka-upo kasi ako sa tabi ng kama samantalang sila naman ay nasa may bandang pintuan.

"Hey,  buti gising ka na!"  Masayang sabi ni Jameson.

"Yah, akala namin hindi ka namagigising, sayang!" Masamang tingin ang pinukol ko kay James.

So, sana hindi na nagising si Kyle, gano'n? Upakan ko 'to eh.

"So, what's your name?" Tanong naman ni Zack. Napatingin ako dito.

"Kyle Sy?" Patanong na sagot ni Kyle.

Napahilamos naman ako ng mukha.

"Oo nga naman Zack, Kyle nga naman ang pangalan niya," Naka-ngising sabi ni James, pinipikon na naman nito si Zack, tsk.

"Ang ibig naming sabihin ng totoo mong pangalan. Alam na namin kaya h'wag ka nang tumanggi," Sabi ni Jameson.

Masamang tumingin sa'kin si Kyle.

"Oy, hindi ako ang nagsabi sa kanila. 'Yung maingay na doktora 'yon!" Paliwanag ko habang winawagaygay ng dalawang kamay sa harap ng mukha ko. 'Yung itsura kasi ni Kyle parang papatay eh.

Napabuntong hininga ito.

"Oo nga. Hindi ko pa pala natatanong sayo ang pangalan mo," Sabi ko at inalala 'yong time na nalaman kong girlalo --- I mean babae si Kyle.

"Pero, grabe para ka talagang lalaki. Ang tikas kaya ng katawan mo," Komento ni Jameson at pinasadahan ng tingin ang katawan ni Kyle.

"Hoy! Nang mamanyak ka na naman kuya," Sabi ni James at binatukan ang kapatid. Napahimas na lang si Jameson sa parteng tinamaan ng kamay ni James. "Kaya pala parang --- ay hindi totoong feature ng babae ang mukha mo. Mula sa mata, sa pilikmata, sa ilong, sa cheecks, at sa l-----ARAY!"

"Ako manyak eh masmanyak ka naman!"

"Hindi ako manyak nagsasabi lang ng to---ARAY!"

"Ako rin naman nagsasabi ng totoo ah! Talaga namang matigas----matikas ang ------ARAY! ARAY! ARAY! ANO BA JAMES?!"

At ayon nagbatukan, nagmurahan, nagsagutan, nagkasakitan kaya nilabas lahat ng lakas, ayon! Pinutukan at iniwang luhaan.

Deceiving Everyone --- B O O K 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon