Announcement!
Please read my note below ⬇
Drunk...
Kylie's POV
"... So gano'n nga 'yung mga nangyari," Simula nung dumating sa tambayan nila ay sinumulan ko na rin ang kwento kong nakaka-tang*na.Si Krim naman ay natutulog na ngayon pagkatapos kumain ng sandamakmak na ice cream.
"Grabe naman sila!" Napapitlag ako ng hampasin ni Rylie ang lamesang kahoy. Nilingon ko naman si Sammy na nagpupunas ng luha. Ewan ko kung luha talaga 'yan. Si Cely naman ayon na kain lang ng kain habang nakikinig.
"Pero alam niyo ang pinagtataka ko? 'Yung pinagsasabi niya na bago ko daw siya iwan? Ewan basta parang may kilala talaga siyang Kyline Shion!" Napatingin ako sa kisame at doon naghanap ng sagot.
Exam lang, 'te?
Pero ngayon ko lang nalaman na may Club Building pala. Nire-renovate kaya napagtatambayan pa. Nasa likod 'to nung locker hall kaya siguro hindi ko napapansin. May lima o anim na palapag ito na kasing lapad ng locker hall --- nasa ikatlong palapag kami ngayon.
"Hoy! Matagal na ba kayo dito?" Pagbubukas ko ng topic dahil bigla na lang silang na tahimik.
"Kami ni Cely nung umuwi lang tayo sa Pinas. Mga more than one year na rin siguro," Hindi makatinging sabi ni Sammy. Napalingon naman ako kay Rylie na biglang tumayo at nagpabalik-balik ng lakad.
Napa-paano 'to?
"Si-siguro kailangan ko ng sabihin sayo Kylie."
Bigla akong na tense ng banggitin niya ang pangalan ko. Ang tunay kong pangalan na ngayon ko na lang ulit yata narinig.
"K-kasi baka nakikita niya si Kyline Shion sa'yo --- 'yung TOTOONG Kyline Shion, okay?" Hindi ako sumagot at sinenyasan lang siya na magpatuloy. "T-then, niligawan siya ni Zack... Zackariaz Smith!"
Bigla akong naging interesado sa kwento niya. So, Zackayaz ang buo niyang pangalan?
"Hoy! Kylie akin 'yang ice cream eh!"
"Shh!" Sinignalan ko si Cely ng tahimik kaya wala siyang nagawa kung hindi ang dumkdok na lang sa lamesa.
"Tapos na kayo?" Mahihimigan ang inis sa boses ni Rylie kaya napangisi na lang ako na ikina-irap naman niya. Sungit.
"K-aso hindi naging sila..."
"Bakit naman? Nan-lalaki nga si Kyline?" Ang sagwa tuloy pakinggan feeling ko tinatawag ko rin ang sarili ko.
"Hi-hindi, kasi na aksidente si Kyline ng tinanong siya ni Riaz kung pwedeng maging sila..."
Riaz? Ibig sabihin Zackariaz ang pangalan niya at hindi Zackayaz? Sayang!
"A-anong aksidente?"
"Na-nabangga siya ng truck."
T-truck? Hi-hindi kaya sila 'yung na sa panaginip ko? Pero bakit?
Kary... Riaz, iisa lang sila ni Zack na minamahal ko ngayon.
At si Kyline na minahal niya noon at mukhang mahal niya pa rin hanggang ngayon.
"P-pero, hindi naman siguro kami magkamukha 'di ba?"
"No, hindi kayo magkamukha---"
BINABASA MO ANG
Deceiving Everyone --- B O O K 1
Teen Fiction•D E C E I V I N G E V E R Y O N E --- B O O K 1• •C O M P L E T E D• •E D I T E D B U T N O T F U L L Y E D I T E D• Magmamahal ba siya nang iba at kakalimutan na lang ang pangakong binitawan niya o pilit niyang ipapaalala para magkaroon...