Ang corny naman ng subject na 'to. Walang thrill. Wala manlang supernaturals. Walang vampires. Walang zombie. Walang werewolves.
Like wtf, kung ano-ano iniisip ko malamang math 'yan, Yoshiko.
Hindi ko mapigilang humikab. Haaay! Boring. Napatingin ako sa bintana at nanlaki ang mata ko nang may makita akong pusa. Shemay! Ang cute!
Nagtaas ako ng kamay. Tumigil at tumingin sa' kin ang professor namin. "Yes, miss Kanai?"
"May I pee?" Excited kong saad. Tumango lamang ito kaya dali-dali akong lumabas at hinanap ang pusa.
Yes! I'm a cat lover! Hihihi, may bago nanaman akong aampunin! Nakita ko ang pusa sa labas ng gate kaya hinabol ko ito.
"Mingming! Come to me!" Mukhang natakot ito at tumakbo kaya binilisan ko ang pagtakbo. Dumiretso ito sa likod ng school namin kung saan ay gubat. Hindi pa rin ako tumigil at pumasok sa loob ng gubat.
Napatigil ako nang parang biglang dumilim. Tumingala ako at tiningnan ang langit. Wow.. ang dami na kaagad ng stars. Tiningnan ko ang relo ko at nagtaka ako dahil 6pm pa lang naman.
"Meow." Nakita ko si mingming sa likod ng puno kaya dahan-dahan akong naglakad papunta do'n.
"Ming?" Sumilip ako sa likod ng puno at nakita siyang nakaupo sa ugat ng puno. "Ikaw ming ha, pinagod mo'ko."
Umupo ako at hinimas siya sa ulo. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko dahil wala namang tao. Napa 'aray' ako ng malakas dahil kinagat ako sa daliri ng pusa. Tumayo ako at tiningnan ang daliri ko. Ang daming—
"Tsk, Why chase a fucking cat?" Nagulat ako dahil biglang may nagsalita sa aking likod. Humarap ako. Shit. He's gorgeous.
Ngumisi siya. "I know, kitten." Napadako ang tingin niya sa daliri ko at nakita ko siyang lumunok at umiwas ng tingin. I saw how his eyes turned red but I think I'm just hallucinating.
Hindi ako makagalaw nang bigla siyang sumulpot sa harap ko. Tumigil ang tibok ng puso ko.
"H-How—"
"Shh, Let me sip that blood, my kitten." He huskily whispered and sipped the blood on my finger.
