XIII

372 19 0
                                    

I'm the girl who loves taking pictures, but doesn't want to be in the picture.

"Miriana! Andito na yung sundo mo! Bumaba ka na diyan!" Dali-dali akong bumaba sa aking maliit na tree house at tumakbo palabas.

"Andiyan na, 'Ma!"

Nakita ko ang aming school bus kaya pumasok ako do'n. Umupo ako sa pinakalikod at sumandal sa upuan. Dala-dala ko ang aking camera na 'Cannon' at inayos ito sa pagkakasabit sa aking leeg.

Pagkadating sa aking school ay hindi ko mapigilang picturan ang kagandahan ng aming paaralan.

Maraming puno at design na heart ito. Valentine's day ngayon at nakasuot ako ng black.

Bitter ako e, ba't ba!

"Miriana, picturan mo 'ko doon sa puno!" Rinig kong sabi ng aking kaklase. Nakakulay green ito. We do have a color coding.

Red means taken,
green means single,
and black means bitter.

"1... 2... 3!" Ngumiti ako sa kanya at pinakita ang picture n'ya.

"Ang galing mo talaga kumuha, send mo nalang sa'kin mamaya, thank you!" Nagpaalam siya para umalis kaya nag-gala ako sa aming school. Maraming booth ang nasa gilid.

Merong blind date, at horror booth. Meron ding marriage booth, kung saan ay magbabayad ka para ikasal ka sa gusto mong groom o bride, kaya pagkakataon niyo na ito ni crush!

Napailing ako sa aking naiisip nang may makita akong lalaking nakatingin saakin. Is he really looking at me? I don't know, he's wearing shades..

Hindi ko mapigilang picturan siya. Well I can really tell na he's a good-looking even though he's wearing shades. Is he new here? Sa liit ng campus namin ay siguradong paguusapan siya dahil sa kagwapuhan niya.

Napatigil ako sa pagkuha sa kanya ng litrato nang ngumisi siya bigla.

Damn.. he's a greek god. Mula sa magulo niyang buhok hanggang sa malapad niyang katawan at well toned niyang muscle sa braso. Idagdag mo pa ang manipis at mapulapula niyang labi at ang matangos niyang ilong, pati na rin kulay ng kaniyang balat na mas maputi pa sa nyebe, and also the atmosphere in his surroundings feels power and intimidating that can make a girl drool.

Yumuko ako para tingnan ang kaniyang litrato nang makitang wala siya sa aking mga kuha. He's not there! Zinoom in ko pa ang aking camera pero ni anino niya ay wala.

What the heck!? Is he a ghost? Or maybe a vampire?!

Binatukan ko ang aking sarili sa naisip, nilamon na ako ng twilight. Tiningnan siya sa kanina niyang pwesto pero wala na siya do'n.

Where did he go?

Napapitlag ako sa aking pwesto nang may maramdaman akong mainit na hininga sa aking batok. Nagulat ako nang may ibinulong ito sa'kin na nagpalakas ng tibok ng puso ko.

"Too bad, vampires like me can't be captured by a camera..." ramdam ko ang paghinga nito nang malalim, "but damn.. why did you captured my heart?"

One shotsWhere stories live. Discover now