XVIII

322 14 0
                                    

BEWARE: THE BITE OF A VAMPIRE
WARNING: (SPG)
***
"Aiana, halika.." Inalis ko ang tingin sa labas ng bintana ng bus at huminga nang malalim. Ngumisi ako sa aking ina at tumayo sa pagkakaupo. Halata pa rin ang pamumula ng mata niya kakaiyak. Kinuha ko ang aking bag at sinukbit ito sa aking likod bago sumunod sa kaniya.

Pagkalabas namin ng bus ay sumalubong sa'kin ang init ng lugar. Naglakad ang aking ina papalapit sa isang lalaki na nakatambay sa tricycle. Sumunod ako sa kaniya at nakinig sa kanilang pag-uusap.

"Manong, sa bahay nga po ng mga Quanta," mahinang saad ng aking ina.
Tinitigan ng lalaki ang aking ina.

"Quanta? Ikaw ba'y anak ni Alejandro Quanta?" Yumuko ang aking ina at nahihiyang ngumiti.

"O-Opo.."

"Ay siya, pumasok na kayo riyan sa loob at maihatid ko kayo." Pumasok kami sa loob at umupo. Habang bumabiyahe ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng lugar. Pang probinsiya talaga. Maraming nagtataasang puno at ang sarap ng simoy ng hangin.. kaso mainit.

Tumigil kami sa harap ng malaki ngunit lumang bahay.

"Bayad ho," inabutan ni ina ang matandang lalaki ngunit umiling ito.

"Huwag na, ayos lang," seryoso nitong saad at nagpaalam. Pagkaalis ng matandang lalaki at ibinalik ko ang aking tingin sa bahay. Naglakad kami papalapit sa pinto. Pagkakatok ni mama ay bumukas ang pinto at bumulaga sa amin ang matandang babae.

"Sino kayo?" masungit nitong tanong. Napalunok ako nang tumitig ito sa'kin. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Pumasok kayo," mabilis nitong saad at hinila kami papasok. Pinaupo niya kami sa lumang sofa at binigyan ng tubig. Umupo siya sa aming harap. Katahimikan ang namayani.

Maya-maya ay humagulgol ng iyak ang aking ina.

Yumuko ako at nagpaalam para uminom ng tubig. Pumunta akong kusina at nakinig sa kanilang usapan.

"N-Nalaman nila.. pinatay nila si Kiro.." Humagulgol lalo ng iyak ang aking ina. Nakatitig lamang si Lola Clarita sa kaniya at umiinom ng kape.

"Siya na.. siya na ba?" Tumango ang aking ina at pinunasan ang kaniyang luha. Anong pinaguusapan nila? Sino... ?

"I-Iiwan ko ho siya rito.." mahina ngunit may diin nitong saad. Napaawang ang aking labi at lumapit sa kanila.

"Ma.." Tumingin sila sa akin.

"Aiana, dito ka muna tumira kay lola Clarita," pakiusap niya. Tumingin sa'kin si lola Clarita at masama ang tingin nito sa'kin. Kahit nagtataka ay tumango ako nang sunod-sunod.

Ngumiti siya sa akin at pinahid ang kaniyang pisnge. Tumayo ito at niyakap ako.

"Mag-ingat ka, Synx," rinig kong bulong niya sa'kin. Teka, sinong Synx?

Huminga ako nang malalim at gumanti ng yakap. Hindi ko alam ngunit kinabahan ako sa kaniyang sinabi.

Pagkatapos naming kumain ay umalis na ang aking ina. Kumaway ako sa kaniya habang siya'y papaalis.

Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutang nag-aayos ng mesa si lola Clarita. Siguro noong nagdadalaga si lola ay marami siyang manliligaw. Maganda ang pagkakahaba ng kulot nitong buhok. Halata sa mukha nito ang katandaan ngunit halata pa rin na makinis ito noon. Natigilan ako nang lumingon ito sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at tinulungan siyang mag ayos ng mesa.

Walang balak magsalita sa amin kaya pinigilan kong 'wag magsalita. Umalis ito at umakyat na sa kaniyang k'warto. Huminga ako nang malalim at umakyat na rin sa aking k'warto.

Matapos magbihis ay humiga ako sa aking kama. Huminga ako nang malalim at tumagilid ng higa.

My 'father' died. Ang sabi saakin ng aking ina ay naaksidente siya. Ngunit no'ng marinig ko ang kanilang pag-uusap ay hindi ko mapigilang magtaka. She even mentioned his name. Oh da—

Napatigil ako nang makarinig ako ng malakas ng lagabog sa kabilang k'warto. Kinakabahan ako sa narinig dahil ito ay nanggagaling sa k'warto ni lola Clarita. Dahan-dahan akong tumayo sa pagkakahiga at lumabas ng k'warto.

Hindi ko mapigilang mapalunok ng laway dahil sa kaba. Hinawakan ko ang doorknob nang tumigil ang kalabog. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahan itong itinulak.

"'La?"

Napatili ako nang makita si lola Clarita sa sahig. Naliligo siya sa sariling dugo. Hindi ako makagalaw dahil sa gulat. Humakbang ako paatras ngunit napatigil ako nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa aking batok.

Nagsitaasan ang aking balahibo nang maramdaman ko ang mainit nitong katawan na nakabalot sa aking bewang. Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin. T-Tulong..

"Synx.. baby. Damn. I missed you. They thought that I won't find you.. those fvcking humans. They erased your memories. They keep on hiding you away from me. Fvcking 50 years is a torture, baby.. damn," bulong nito at niyakap ako nang mas mahigpit. Erased my memories? Kaya pala palagi silang may pinaiinom saakin. Napahigit ako ng hininga at dahan-dahang humarap. Nanlaki ang mata ko nang maaninag ko ang seryoso niyang kulay pulang mata.

Those fvcking red eyes! It's the eyes that I keep on dreaming!

"Sivan?" Nagbago ang ekspresyon nito at lumambot.

"Yes, baby?" Nakangisi niyang tanong. Hinigit niya ako papalapit sa kaniya at niyakap.

"S-Sivan.." Humigpit lalo ang pagkakayakap niya saakin. Narinig ko siyang nagmura ng ilang beses. Nagulat ako nang matagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa kama.

Nakadagan siya saakin at naramdaman kong inayos niya ang nakaharang kong buhok sa leeg. Napakagat ako nang maramdaman ko ang hapdi sa aking leeg. Bumaba ang labi nita at narinig ko ang pagkakasira ng aking damit.

"A-Anong—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang kagatin niya ang gilid ng aking dibdib. Napaawang ang aking labi sa kaniyang ginawa.

Tumigil siya sa kaniyang ginawa at tinitigan ako. Ngumisi siya at hinaplos ang aking dibdib. Napakagat ako ng labi at humigpit ang aking pagkaka-kapit sa unan.

"I miss this.."

One shotsWhere stories live. Discover now