KAPAG NAGAGALIT, NANGHAHALIK

408 14 1
                                    

"O, Elzie ikaw na!" Ngumisi ako sa kanila at nilapag ang hawak kong baraha. Sabay-sabay silang napabuntong-hininga at inilapag ang kanilang mga baraha.

"Hinamon niyo pa ako ng tong-its ha," humagikhik ako habang nakangisi.

"Ano bayan! Ayoko na nga!"
"Madaya ka talaga, Elzie!" "Panalanuhin mo naman kami!"

Kinuha ko ang aking cellphone nang makita kong may nagtext dito. Nakangisi akong tumayo sa pagkakaupo at sumaludo sa kanila.

"Tawag na ako ni sir sungit, goodluck sa mga pitaka niyo," rinig ko ang kanilang mahihinang reklamo nang tumalikod ako sa kanila. Napatawa ako habang naglalakad papunta sa aking motor at sumakay dito. Nang papaandarin ko na ito ay may humawak sa aking balikat at bumulong.

"Holdap 'to, miss, akin na 'yang motor mo." May naramdaman akong matulis na bagay na nakatuktok sa aking tagiliran. Napayuko ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa aking motor.

"Paano kung... ayoko?" mahina kong saad habang nakatingin sa aking rear mirror. Nakita kong kumunot ang noo ng lalaki. Mas diniinan niya ang pagkakatutok kaya hindi ko mapigilang mapangiwi.

"Hindi ako nakikipaglokohan dito, miss. Akin na 'yan!" malakas niyang saad kaya mabilis akong pumihit paharap sa kaniya at tinulak ang kaniyang batok pababa.

Agad kong tinuhod ang kaniyang mukha. Rinig ko ang kaniyang mahihinang daing. Nabitawan niya ang kutsilyo kaya sinipa ko ito papalayo sa kaniya. Narinig kong napamura siya sa sakit kaya hinila ko ang kaniyang kwelyo.

"Mali ka ng ninakawan p're," seryoso kong saad at kinuha ang posas sa aking bewang. Pagkatapos ko siyang posasan ay tumalikod ako para kunin ang aking susi. Pagkaharap ko ay napalayo ako nang madaplisan niya ang aking braso ng kutsilyo. Napamura ako at sinuntok siya sa panga.

Bumagsak siya sa sahig at nawalan ng malay. Napabuntong-hininga ako at kinuha ang aking panyo para takpan ang aking sugat. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang kirot nito. Kumuha ako ng tali at itinali ang lalaki sa aking motor.

Pagkarating ko sa presinto ay pabato kong tinulak ang lalaki. Nagising at napatayo ito.

"Anong kaso?" Salubong sa'kin ni David.

Ngumisi ako. "Magna," mayabang kond saad at umupo.

"Tsk tsk, marami talagang magnanakaw sa lugar na 'to, maraming salamat talaga at nandito ka," iling-iling niyang saad kaya napatawa ako.

Bigla akong napatayo nang bumukas ang pinto ng meeting room. Napangisi ako nang makita ko si sir sungit. Magkasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa'kin.

Mas lumaki ang aking ngisi nang tumigil siya sa aking harap. His serious yet black eyes stared at me.

"Tingnan mo sir," ngumuso ako sa lalaking magnanakaw. "Ako nakahuli niyan," pagmamalaki ko. Kumunot ang kaniyang noo at sumulyap sa lalaki.

"I already told you a one hundred and two, Elzie. 'Wag kang makisali sa trabaho ng mga pulis dito..." mahina niyang saad. Napanguso ako. Nakita kong bumaba ang kaniyang paningin sa aking labi kaya mabilis kong pinalitan ito ng ngisi.

"Paano ba 'yan, sir. Sila ang lumalapit sa'kin e," nakangisi ngunit nakangiwi kong saad nang madanggi ako ng isang babae. Natanggal ang panyo kaya agad kong pinulot ito. Nakita kong napatingin siya sa aking braso. Naging magkasalubong ang salubong niyang kilay.

His jaw tightened. Pumikit siya nang mariin at mabilis na lumapit sa lalaking nakaposas. Kinewelyohan niya ito at tinitigan sa mata.

"You," seryoso niyang saad habang masama ang tingin sa lalaki. "Ikaw ba ang gumawa niyan sa misis ko?"

Nanlaki ang mata nang sabihin niya ang 'misis ko'.

"T-Teka sir—" Napatigil ako nang sumulyap ang itim niyang mata saakin. Bakas sa mukha ng lalaki ang takot habang nakatingin kay sir Raul.

Pumikit siya ng mariin at pabatong binitawan ang kwelyo ng lalaki. He whispered so many curses at tumalikod saakin.

Napahigit ako ng hininga nang mabilis siyang lumapit saakin.

"Elzie Almendralo..." bigkas niya sa aking pangalan. More like calling me.

"Sir—" Bigla niya akong hinawakan sa balikat at mabilis na inilapit ang mukha saakin. Nang magdikit ang aming labi ay agad na nanlaki ang aking mga mata. Nakapikit siya ngunit nakakunot pa rin ang noo.

Madiin ang kaniyang pagkakahalik ngunit mayroong tamis. Ilang mura ang aking nasambit sa aking isipan nang lumayo siya.

"You'll marry me." Napaawang ang aking ibabang labi nang sabihin niya 'yon. Agad akong tumutol ngunit agad niya akong hinalikan.

"Don't make me mad, Elzie. Iba ako magalit," masungit niyang saad habang nakasimangot. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapakagat sa aking ibabang labi.

Iba nga, iba magalit... nanghahalik.


. (NOT A VAMPIRE NOR WEREWOLF STORY)

One shotsWhere stories live. Discover now