VII

688 24 1
                                    

"Habulin niyo yung lalaki! Magnanakaw!" Nagkagulo ang mga tao sa palengke nang may sumigaw ng 'magnanakaw'. Dalawang lalaki ang humabol sa 'magnanakaw' at tumawag naman ng barangay tanod ang iba.

Binilisan ni Loisa ang pagtakbo habang mahigpit na hinawakan ang bag. Ramdam niya ang pagod at gutom habang hinahabol siya ng mga lalaki. Sumuot siya sa eskinita at nagtago sa gilid ng basurahan. Rinig niya ang paglampas sakanya ng humahabol ng mga lalaki.

Napabuga nalang siya sa hangin at dumiretso sa kanilang bahay. Ulila na siya at naiwan sa kanya ang dalawa niyang kapatid. Her parents died in a car accident. But she didn't believe that. Kitang-kita niya kung paano barilin ang kanyang magulang.

Alam niyang hindi totoong ambulansya ang tumulong sakanila. She knew that it was all a lie. Pero nanahimik lang siya para sa kaligtasan ng kanyang mga kapatid.

Papasok pa lang siya ng bahay ay rinig niya ang tawanan ng kanyang mga kapatid. Bahay kubo lamang ang bahay nila pero pinapahalagahan niya ito dahil ito lamang ang kanilang tinitirhan.

Nawala lahat sakanila ang kayamanan at naubos ang kanilang pera. Walang kamag-anak ang balak tumulong sa kanila dahil kapag mahirap ka. Mahirap ka. At kapag mayaman ka. Tinitingala ka.

Tinanggal niya ang suot na sumbrelo at lumaglag ang kanyang mahabang buhok. Her hair color was just like her mother's. Kulay kayumanggi ang kanyang buhok at may kaonting highlights na kulay pula.

"Beautiful." Pumikit siya ng mariin nang makarinig na naman siya ng bulong sa kanyang tenga. She's been hearing this when she robbed that creepy house.

Tumingin siya sa kanyang pulso at nakakabit doon ang ninakaw niyang bracelet. Simula nang nakawin niya 'yon ay palagi siyang nakakarinig ng kung ano-ano. Gusto niyang ibalik ang bracelet pero ayaw na nito matanggal sa kanya.

Bumuntong hininga na lang siya at hinalungkat ang ninakaw na bag. Napangisi siya nang makitang may wallet sa loob. Dali-dali niyang binuksan 'yon at mas lumaki ang ngisi niya.

"Jackpot," mahina niyang bulong.

"Ate Lois, saan mo po nakuha 'yang bag?" Nagulat siya nang marinig niya ang kanyang kapatid. Itinago niya ang wallet at pilit na ngumiti.

"Nakuha ko lang sa palengke," pagsisinungaling niya.

"Sige po, kakain na po ba tayo?" Tumango siya at niligpit ang bag.

"Goodnight po, Ate Lois." Ngumiti siya at hinalikan sa noo ang mga kapatid. Pumikit siya at handang matulog nang makarinig nanaman siya ng bulong.

"Loisa," tumagilid siya ng higa at pumikit nang mariin.

No, not again..

"Loisa.. baby." Tumayo siya at lumabas ng bahay. Huminga siya nang malalim at binatukan ang sarili.

Damn this!

"Hey, don't hurt yourself." Ramdam kong niyakap ako nito sa likod.

"What do you want?" Matapang kong tanong. Ramdam ko ang hininga nito sa batok ko. Shit.

"Give it back.." Bulong nito sa tenga ko. ".. my bracelet." Tumingin ako sa aking pulso at makitang wala na doon ang bracelet. Nanlaki ang mata ko at lumingon sa lalaking nasa likod ko.

Napaawang ang aking labi nang makita ko siya.

Tangina..

Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko.

"And one thing, baby. Please give it back.."

"N-na sa iyo na yung bracelet! Ano p-pa?!" Tumingin ito saakin ng mariin.

"Please," lumapit ito saakin at hinawakan ako sa pisnge. ".. my heart, give it back."

One shotsWhere stories live. Discover now