Vampire

273 5 0
                                    

Hindi ko mapigilang mapa-huni habang naglalakad sa madilim na gubat na punong-puno ng matataas na puno.

Nakasabit ang maliit na tuwalya sa aking balikat at mahigpit ang aking pagkakahawak sa maliit na basket na puno ng panlinis ng  aking katawan.

I'm going to my favorite place, where I find my peace and comfort...

Tanghaling tapat ay madilim dahil natatakpan ng matatayog na puno. Napangisi ako nang sumabay ang mga ibon sa aking pag-huni.

Rinig ko ang pag-agos ng tubig sa aking tatahakin, dahilan para ako'y mapangiti at mas binilisan pa ang paglalakad.

Agad akong sinalubong ng malinis at asul na tubig. Inilagay ko sa malaking bato ang aking dalang kagamitan at inilingon ang aking paningin sa paligid.

Nang makitang ako lang ang naroon ay agad kong hinubad ang aking suot na sando at pantalon.

Walang tinitirang kahit anong saplot at lumublob sa tubig. Bahagya akong napangiti nang maramdaman ko ang malamig na tubig na yumakap sa aking buong katawan.

Sinubukan kong lumutang sa tubig para titigan ang makulimlim na ulap. Unti-unti na ring dumidilim at bahagyang natatakpan ng ulap ang buwan.

I always envy the moon. Because all of my tribe always love to stare at it. Is it because of it's moonlight? Or is it just beautiful?

Bigla akong napatigil sa aking pag-iisip nang makarinig ako nang sunod-sunod na malalakas na kaluskos.

"S-Sino iyan..." tanong ko at mabilis na umahon mula sa tubig. Damn it... someone already knew my hiding place.

Katahimikin ang namayani kaya agad kong kinuha ang aking maliit na towel at ibinalot sa aking balingkinitang katawan.

Pinulot ko ang aking maliit na basket ngunit dahil sa aking panginginig sa lamig ay nabitawan ko iyon at nalaglag ang aking mga gamit.

Isa-isa ko itong pinulot at inilagay sa aking munting basket. Pupulutin ko sana ang aking suklay nang may mauna na sa aking pumulot no'n. S-Sinong...

Agad kong itinaas ang aking paningin at ang aking unang nakita ay ang kaniyang mapupulang mga mata.

"Here..." mahina ngunit seryoso niyang saad. Nang mapansing hindi ko iyon kinukuha sa kaniya ay nagtagis ang kaniyang panga at umiwas ng tingin.

Agad kong kinuha sa kaniya iyon at mahinang nagpasalamat. Tumayo na ako at dahan-dahang umatras papalayo sa kaniya.

Mariin lamang ang pagkakatitig niya sa 'kin habang ako'y unti-unting umaatras.

I can't be with this bloody vampire...

Pumihit na ako patalikod sa kaniya at mabibilis ang hakbang palayo.

"Wait," seryoso niyang saad na umabot pa rin sa aking pandinig. Tumigil ako ngunit hindi lumingon sa kaniyang kinatatayuan.

"What are you wearing?" tanong niya dahilan ng aking pagkaka-kunot ng noo.

Pumihit ako paharap sa kaniya. "A towel."

Kumunot din ang kaniyang noo at bahagyang nagkasalubong ang makapal na kilay.

"You're not going to change? That's so fucking small..." he said almost whispering.

"Who are you anyway? I can't change here since you're here," mataray kong saad at nameywang.

Wrong move, dahil biglang nalaglag ang aking suot na towel dahilan para manlaki ang aking mga mata.

Hindi ko agad natakpan ang aking katawan.
Dahilan para maglakbay ang kaniyang pulang mata sa aking hubad na katawan...

Kitang-kita ko kung paano mas lalong pumula ang kaniyang mga mata.

At natagpuan ko na lamang aking sarili sa kaniyang bisig at mabilisang hinahawi ang aking buhok na tumatakip sa aking leeg.

Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kaniyang matatalas na ngipin sa aking leeg.

Ang aking hubad na katawan ay nakadikit sa kaniya at sinusubukang takpan ang aking katawan gamit ang kaniyang matipunong katawan.

"Goddamn it, girl. That's a fucking wrong move," bulong niya sa akin at mahinang napangisi.

Tanging ungol lang ang aking naiganti nang kagatin niyang muli ang aking kabilang leeg.

... at ang mga bituin at buwan ang saksi sa aming pagmamahalan noong gabing iyon.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang may humalik sa aking pisngi at niyakap ako sa aking likod.

"What are you doing here, Erich? You want a another baby?" nakangsing saad ng aking asawa dahilan ng aking pagkapula.

Mahina ko siyang hinampas sa kamay at inirapan.

"What? I just want to hang out here, this is my favorite place anyway..." ani ko at sumandal sa kaniya.

Ilang minuto kaming tumambay roon bago magpasyang umuwi.

Tumingala ako sa madilim na langit at bahagyang napangiti nang makita ang buwan.

Once upon a time... I was just busy envying the moon. But then I met a man who'll treat me his moon.

One shotsWhere stories live. Discover now