BETWEEN THE RAINDROPS (PART II)
***
Kasalukuyang nakatulala ako dito sa bintana ng hospital. Malakas ang pagpatak ng ulan.Ang sabi sa akin ng nurse ay natagpuan daw nila ako sa gilid ng kalsada malapit sa hospital.
Wala raw akong malay at umuulan daw noong gabing 'yon kaya binuhat nila ako hanggang hospital.
Hindi ko alam ang nangyari sa akin pero simula nang mapunta ako dito ay lagi nalang akong nakatulala o nagmumukmok. Wala na raw akong mga magulang dahil namatay raw ito sa isang aksidente. Sinubukan kontakin ng mga nurse ang mga kamag-anak ko pero hindi daw nila malaman kung nasaan ang mga ito.
Ang sabi sa akin ng doktor ay nawalan daw ako ng memorya. Siguro daw ay naumpog ako o nahulog sa sasakyan. Pero kahit anong sabihin nila ay hindi ako naniniwala.
Palagi nalang akong nananaginip tungkol sa lalaking aso. I mean, a fvcking werewolf. Noong una ay hindi ako naniniwala, e sino nga ba ang maniniwala tungkol sa asong lobo? Ngunit habang patagal nang patagal ay unti-unti akong nakakaalala.
Wolves. Car. Trees and a girl crying while hugging a man.
Bumukas ang pinto at pumasok ang nurse. Nang makita niya ako ay ngumiti siya. May inabot siya sa akin na gamot at pinainom ito sa akin.
Pilit akong ngumiti sa kaniya at uminom ng tubig. Nang tumalikod siya ay nawala ang aking ngiti.
Tangina.. kailan ba ako makakalabas dito? Nakikipag plastikan lang naman ako dito sa mga nurse. Minsan ay naririnig ko silang pinaguusapan ako.
Umalis kaagad ang nurse kaya humiga ako sa kama at tumagilid ng higa. Pumikit ako at sinubukang matulog. Nakakailang kanta na ako sa aking utak ngunit hindi pa rin ang makatulog.
Nakapikit lamang ang ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.
At labis ko namang pinagtaka ay kakadating lang kanina ng nurse, pero bakit may pumasok na naman?
Naramdaman kong tumigil ang lalaki sa gilid ng kama. Kahit nakapikit ay alam kong lalaki ito. Sa amoy pa lang nito ay halata na, na lalaki ito. Napaka tapang ng amoy, parang pamilyar ang amoy na 'to. Parang-
Napatigil ako nang maramdaman kong hinaplos nito ang aking buhok. Naramdaman ko ring hinalikan nito ang ulo ko at bumulong.
"Damn... I'm sorry if I removed your memory. I just want you to be happy, baby. I don't want to see you cry because of a fvcking rouges killed your dad and.." Ramdam kong huminga siya nang malalim, "I fvcking miss you." Nakiliti ako sa mainit niyang hininga sa aking tainga. Naramdaman kong may tumulong luha sa aking pisnge.
Nawala ang presensya niya at narinig kong papaalis na siya. Pinahid ko ang aking pisnge dahil biglang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko mapigilang imulat ang aking mata at tinitigan ang kaniyang likod. Napatigil siya sa paghakbang. Itinagilid niya ang kaniyang ulo, at tiningnan ako. His jaw tightened.
Kita ko rin ang pagkuyom ng kaniyang kamao.
"Who are you..." Paos kong saad.
Nakatitig lamang ako sa kaniyang malapad na likod.
Lumunok ako dahil walang boses ang lumalabas sa aking bibig. Nakita ko siyang pumikit nang mariin at yumuko. Kita ko pa ang paggalaw ng kaniyang labi.
He mouthed, "fvck." And why the fvck? Is he the-
Nanlaki bigla ang aking mata at napaawang ang aking labi nang mabilis itong lumapit sa akin. Dahil sa sobrang lapit niya ay nakita ko nang maalwan ang kaniyang mukha. His face.. it's so freaking familiar!
Mula sa makapal niyang kilay at matangos na ilong. Pati na rin ang manipis at mapupula niyang labi.
O my gosh..
Tumiim ang kaniyang bagang at hinawakan ang aking panga. Bumigat ang aking paghinga dahil sa kaniyang ginawa. Lumunok siya ng ilang beses at tinitigan ako sa mata.
"Look, Jaymee. I don't want to fvcking kiss you because if I fvcking kiss you... iuuwi kita." Lalong napaawang ang aking labi sa huli niyang sinabi.
"W-What-" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang sakupin niya ang aking labi. Napaungol ako nang kaunti nang kagatin niya ang aking labi.
Magkalapat ang aming noo'y habol hininga kaming naghiwalay. Nakatitig ako sa kaniyang mata nang bigla siyang ngumisi.
"Iuuwi na kita," matigas niyang ani at binuhat ako.