XVII

342 15 0
                                    

MIDNIGHT BITE

***
Nakapalumbaba ako habang nakatingin sa cellphone kong nagchacharge.

Haaay, ang hirap kapag lowbat ang cellphone!

Napatingin ako sa orasan at makitang hatinggabi na. Hindi pa ako inaantok, paano na 'to!

Nagulat ako nang mawalan kami ng ilaw—ay mali! Kaming lahat na magkakakapitbahay pala.

Brown out? Ano bayan!

Kinapa ko ang cellphone ko at tinanggal ang pagkakasaksak nito. Baka sumabog. Edi mawawalan ng cute sa Pilipinas.

Sumimangot ako at dahan-dahan tumayo sa pagkaka-indian sit. Pumunta akong kusina at hinanap ang aming kandila. Nang makapa ko ito ay kumuha na rin ako ng lighter  at pumuntang sala para masindihan ito. Inilagay ko ang kandila sa center table. Napangiti ako nang makakita na ako ng maayos.

Bumalik ako kusina at inilagay ang lighter sa drawer. Habang naglalakad ako papuntang sala ay napayakap ako sa aking sarili. Bakit ang lamig? Nakasara naman ang bintana namin a?

Pagkadating ko sa sala ay nakita kong bukas ang bintana at namatay ang pagkakasindi ng kandila. Napakamot ako ng ulo at bumalik sa kusina para kunin ang lighter.

Pagbalik ko ay lumapit ako sa bintana. Napayakap ako sa sarili dahil sa lamig ng hangin at sumilip sa labas. Bakit nabuksan 'to?

Isinara ko na ito at lumapit sa kandila. Nag-indian sit ako at sinindihan ulit ang kandila. Nakailang pindot ako ng lighter dahil ayaw lumabas ng apoy.

Napangiti ako matapos ko masindihan ang kandila. Siguro kapag may nakakakita sa'kin dito ay pagtatawanan ako.

Nawala ang pagkakangiti ko nang mamatay ang pagkakasindi sa kandila. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan.

Omy..

Deretso pa rin akong nakatayo at nakiramdam sa aking paligid. Nanlaki ang mata ko nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa aking batok.

Naramdaman kong unti-unting yumakap ang kamay nito sa aking bewang.

Napalunok ako dahil sa kaba. Dumoble ang bilis ng tibok ng aking puso dahil sa nararamdaman.

Shit.

Ang mainit nitong hininga ay tumatama sa aking batok. Magkaka-stiff neck ata ako dahil deretso lang ang aking ulo. Hindi lumilingon. Gustong-gusto ko lumingon pero parang may pumipigil sa'kin. Naramdaman ko ang matigas nitong dibdib sa aking likod.

Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang labi nito sa batok ko. Dahan-dahan lumapat ang labi nito sa leeg ko. Hinalikan niya ito ng matagal. Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko.

W-What the fvcking fvck..

Rinig ko ang mahina nitong pagtawa at dinilaan ang aking leeg. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa kaniyang ginawa. Nag-init din ang aking katawan dahil do'n.

Bahagya akong napasigaw nang bigla nitong kagatin ang aking leeg. Napahawak ang nang mahigpit sa aking short dahil sa kirot.

"Your blood is still sweet, baby," mahina nitong bulong.

"S-Still? What do you mean?" Nanghihinang tanong ko. Ramdam ko ang pagngisi nito sa aking leeg.

"You can't remember but I always bite your neck every midnight.. so, every midnight and every bite. You'll forget what happened... now sleep, baby. 'Cause tomorrow, you'll forget what happened."

One shotsWhere stories live. Discover now