[11:11pm]
"Hindi ka pa inaantok?" Tumingin ako sa aking kapatid at umiling. Ngumuso ito at tinitigan muna ako bago pumasok sa kanyang kwarto. Weird.
Ibinalik ko ang tingin sa bintana at tumulala. Nandito ako sa gilid ng malaki naming bintana. Nagpapahangin ako, ang init kasi.
Maya-maya ay na boringan ako kaya pumasok ako sa aking kwarto. Humiga ako sa aking kama at nagsuot ng earphones.
🎵 Firehouse - I Live My Life for You
"You know—" Napatigil ako sa pagkanta nang mag stop ang kanta. Inis kong tiningnan ang phone ko at makitang dead batt na ito.
'Great.' I sarcastically said. Tumulala nalang ako sa kisame nang makarinig ako ng katok. Tumayo ako at lumapit sa aking pinto. Kumunot ang noo ko nang makitang walang tao.
Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ko doon ng katok. Galing ito sa aking bintana kaya dahan-dahan akong lumapit doon. Nagsitaasan ang aking balahibo sa katawan pero dahan-dahan kong tinaas ang aking kurtina.
Napatakip ako ng aking bibig at pinigilan tumili.
T-there's a guy! Naliligo siya sa sarili niyang dugo.
Mahina niyang kinatok ulit ang aking bintana. Napalunok ako at dahan-dahan ito binuksan. My mom is going to kill me! But damn I can't let him die. Not like this!
Inakay ko siya papalapit sa aking kama at inihiga. May ibinubulong siya pero hindi ko masyadong marinig.
"Blood, I need blood..." He needs what? Tumayo ako at dumiretso sa aking banyo. Kumuha ako ng towel sa drawer at biglang nadali ang braso ko sa gilid nito.
Napa 'aray' ako ng mahina at hinawakan ito. Sabi ko na nga ba dapat nilalagyan ko ito ng tape.
Inayos ko ang pagkakasarado ng aking drawer at pagkaharap ko ay bigla akong nagulat nang makita ko ang lalaki sa aking likod.
His eyes are color red. I can also see his fangs. Like the vampires do.
Napadako ang kanyang paningin sa aking braso na unti-unting nagdudugo.
I saw how his jaw clenched and the next thing I knew ay kinakagat niya na ang aking pulso. Nasigaw ako sa gulat at sakit pero bigla niya akong hinalikan sa labi. Nalasahan ko pa ang aking dugo sa labi niya at nanlaki ang mata ko nang kagatin niya ang labi ko kaya nagdugo rin ito.
He's kissing my lips and at the same time sipping it. Hindi ko mapigilang halikan din siya labi at napahiwalay ako nang bumulong siya.
"Damn. Thank you for sharing your blood. 'Till next time, babe."
