Vampire

233 9 2
                                    

AN EXCHANGE FOR A MAN WITH FANGS

***
"Vam, malapit nang mag-gabi. Saraduhin mo nang mabuti ang ating pinto at bintana." Nang marinig ko ang sinabi ng aking ina ay agad akong tumalima at mabilis na sinarado ang aming pinto't bintana.

Nilagyan ko ng kandado ang aming pinto at ikinandado ito. Nang makasiguradong nakasara na lahat ang lahat ay tinulungan ko naman ang aking ina sa pagluluto ng aming hapunan.

Tahimik at maliit lang ang aming bahay. Kakasya na ang tatlong tao sa liit nito. Ako, si ina, at ang aking nakakabatang kapatid ang aking kasamang tumira dito. Tumigil ako sa pag-aaral para tulungan ang aking ina.

Matagal nang patay ang aking ama. Siya dati ang bumubuhay sa aming pamilya, ngunit dahil naabutan siya ng gabi sa sobrang pangangaso, ay may nakasalubong siyang isang mabangis na lobo at walang awa siyang kinagat hanggang sa maubusan siya ng dugo hanggang sa mamatay siya.

Vampires and werewolves. At first I didn't believe of such when I was a kid. But they exist here too... they're real.

Napapiksi ako sa pagkakatayo nang makaramdam ako ng hapdi sa aking daliri. Agad akong napatingin doon makitang may malaking hiwa roon at patuloy na dumudugo.

Pulang-pula ang lumalabas sa aking daliri. Mas mapula pa sa rosas. Napalunok ako at dahan-dahang inilapat ang nagdudugong daliri sa aking labi.

D-Dugo...

Nang mapagtanto ang aking gagawin ay agad kong binitawan ang aking hawak na kutsilyo at mabilis na tumakbo sa lababo. Tumutulo ang aking pawis habang marahas na hinuhugasan ang aking daliri, hindi alintana ang hapding nararamdaman.

They shouldn't smell my blood. Please no...

"Vam, ano'ng nangyari?" Napatigil ako sa paghuhugas ng aking daliri nang magsalita mula sa aking likod ang aking ina.

Napalunok ako habang dahan-dahan na pumihit paharap. Tumutulo ang luha sa aking pisngi.

"S-Sorry..." aniko nang makita niya ang aking daliring patuloy pa ring nagdudugo. Bumakas sa kaniyang mukha ang gulat at takot.

Mabilis niyang tinawag ang aking kapatid papunta sa kaniyang tabi at kumuha ng rosaryo para magdasal.

Nanginginig akong napayuko habang bumubulong si ina sa hangin. Nagdadasal. Humihingi ng tulong.

Ngunit napatigil siya sa pagdadasal nang makarinig kami ng malakas na angil sa labas ng aming kubo. Agad naman akong sumenyas sa aking ina na magtago sa ilalim ng kama kasama ang aking kapatid na gulong-gulo sa nangyari.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid para maghanap ng mapagtataguan. Ngunit dahil sa liit at kaunti lamang ang aming gamit ay wala na akong ibang mapagtataguan kundi ang aming maliit na kama kung saan nagtatago ang aking ina at kapatid.

Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng aking puso habang palakas nang palakas ang angil na aking naririnig. Nanginginig ang aking tuhod at dali-daling lumapit sa aming kabilang pinto. Papunta sa gubat.

Ilang beses akong huminga nang malalim bago tinanggal ang pagkakakandado. Nang matanggal ito ay agad akong kumaripas ng takbo palabas.

Napalingon ako nang marinig ko malakas nitong angil sa aking likod. Agad na nanlaki ang aking dalawang mata sa gulat at takot nang makitang mabilis ang pagtakbo ng malaki at mabangis na asong lobo papalapit sa akin.

Ramdam ko ang pagtulo ng aking luha sa aking pisngi habang patuloy na tumatakbo. Humahampas sa aking mukha ang lamig ng hangin. Nanunuyot ang aking lalamunan dahil sa pagod.

Help me, please...

Napatigil ako sa pagtakbo nang makitang may bangin sa aking dadaraanan. Lumingon-lingon ako sa aking paligid ngunit wala na akong ibang matatakbuhan. Tumingala ako sa madilim na kalangitan at makitang bilog na bilog ang buwan at namumula ito.

Is this where I die?

Napalunok ako nang maramdaman ko ang malaking aso sa aking likod. Dahan-dahan akong pumihit paharap at sumalubong sa akin at matatalas na ngipin nito.

Unti-unti akong napaatras nang lumapit ito. Itinaas ko ang aking kamay at iniharang ito sa akin.

"D-Diyan ka lang," nanginginig kong saad nang lumapit pa itong muli. Malakas itong umangil sa akin dahilan para mapaatras akong muli.

Balak na nitong dambahin ako nang tumalsik ito papalayo. Dahilan para mapaawang ang aking labi sa gulat.

Tumalsik ang asong lobo sa malaking bato dahilan para mawalan ito malay. Napatingin naman ako sa lalaking hinihingal at masama ang tingin sa asong lobo.

Who is he?

The first thing I noticed is his hair, it's messy yet curly that flawlessly fits his face. Sweats are rolling down his well-defined jawline, with his pointed nose, thick yet sexy eyebrows, jet black eyes, and his soft thin pinkish lips.

Napaatras ako sa aking pagkakatayo nang marahas na bumaling sa akin ang lalaki at biglang pumula ang kaniyang mga mata.

Wrong move. Dahil wala na akong mapag-aatrasan dahil sa bangin—dahilan para dumulas ako at mahulog.

Napatili ako nang malakas at mariing napapikit. Nang may malamig na kamay na humawak sa akin upang hindi ako tuluyang mahulog.

Napamulat ako roon at sumalubong sa akin ang kaniyang mapula-pulang mga mata. Napaawang ang aking labi nang walang kahirap-hirap niya akong iniangat.

Nanlalambot ang aking tuhod kaya agad akong napaluhod sa sahig.

I felt him gently walked closer to me. I looked up to him as he slowly hold my hand.

His palms were cold but his stares are making me feel intense heat. I can feel my heart beats faster.

"Who are you?" saad ko habang nanginginig ang aking palad na kaniyang hawak. He's gently drawing circles on the back of my palm to ease the shakiness.

Nakakakiliti.

Napakagat ako sa ibaba ng aking labi. "S-Salamat," mahina kong saad. Gumuhit naman sa magkabilang labi ng bampirang lalaki ang isang malaking ngisi.

Napakunot ang aking noo dahil doon. Kinagat niya ang ibaba ng kaniyang labi dahilan para mapalunok ako at umiwas ng tingin.

"You know, everything isn't free anymore," asik niya. Napatingin naman ako sa kaniya at makitang namumula na naman ang kaniyang dalawang mga mata.

Dahan-dahan niyang itinaas ang aking kamay at inilapit ito sa kaniyang matalas na pangil.

Dapat ngayon ay matakot ako sa kaniyang gagawin ngunit wala akong ibang maramdaman kundi pagkasabik.

Napaawang ang aking ibabang labi sa hapding naramdaman nang kagatin niya ang aking bisig.

Rinig na rinig ko ang ginagawa niyang pagsisip na masarap sa aking pandinig. Ilang segundo kami sa ganoong pwesto nang siya'y lumayo. May bakas pa ng aking dugo sa gilid ng kaniyang labi ngunit agad niya itong inalis gamit ang kaniyang kabilang kamay.

"Sweet," he uttered, while smirking.

"Sino ka..." tanong ko muli.

Nawala ang kaniyang pagkakangisi at seryosong tumitig sa 'kin. "Let's just say that I was the one who helped you with a fucking werewolf, and sipped your blood for an exchange," he gulped while he was staring at me. "... nevermind, let's just say that I helped you and I want you for an exchange," dugtong niya at mabilis na hinagkan ang aking labi.

One shotsWhere stories live. Discover now