Malakas ang pagpatak ng ulan.
Habang ako naman ay nakatulala lamang kung saan-saan. Hindi ako makatulog dahil dito. I can't sleep when it is raining.
It's midnight and I'm still awake. Napabalik ako sa realidad nang makarinig ako ng katok sa aking pinto. Kumunot ang noo ko. Sino ang kakatok sa pintoan ko ng dis oras ng gabi?
Tamad akong tumayo at binuksan ang pinto. Nanlaki ang mata ko dahil nakatayo sa harap ko ang isang lalaki. He's wearing a white t-shirt and he's soaking wet! Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
"U-uh, hello?" Sinilip ko ang mukha niya ngunit umiwas siya ng tingin. Saka ko lang napansin na nanginginig siya sa lamig.
"You s-should go inside."
Tanga. Why would I let someone go inside my apartment? Argh. Bahala na nga!
Pinaupo ko siya sa sofa at dali-daling kumuha ng maligamgam na tubig. Kumuha na rin ako ng extra shirt at kumot para sakanya. Pagdating ko sa sala ay bigla kong nabitawan ang hawak kong baso at nabasag ito. Shit.
Sa sobrang taranta ay pinulot ko ito. Natigilan ako nang biglang may lumabas na dugo sa daliri ko.
Napakagat ako sa labi ko at naiiyak na tumingin sa nagdudugo kong daliri.
"Tsk, Idiot." Natigilan ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko at hinawakan ang nagdudugo kong daliri.
Bigla akong nakuryente pag hawak niya kaya hinila ko ang kamay ko. I saw how his eyes darken kaya dali-dali kong binalik ang kamay ko sakanya. I saw him smirked at sinuri ang sugat ko. Yumuko siya at biglang nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
F-fuck—!
Dinilaan niya lang naman ang daliri ko at pagkatapos ay ngumisi siya saakin. Tumingin ako sa daliri ko at nanlaki ang mata ko.
"What t-the hell—!" Nawala yung sugat ko! What the—!
Nanlalaking mata akong tumingin sa misteryosong lalaki at pabalik-balik sa daliri ko at sakanya. Natigilan ako nang bigla siyang tumawa. Kita ko ang malalim niyang dimples sa left cheek at napatulala ako dahil ngayon ko lang na realize na kitang-kita ko na ng buo ang mukha niya. Tangina shit. Am I dreaming?
From his lips up to his nose and then his eyes. Fuck. Those damn blue eyes that almost fucked me over.
"Damn. You're so cute." And then he chuckled. I was taken back by his words but I manage to control myself. Damn shit! Feeling ko namumula ako!
"Nah, you're already red as a tomato." Nanlaki ang mata ko dahil paano niya nalaman?!
"It's obvious to your face." Umiwas ako ng tingin at kinuha ang kumot. Binigay ko sakan'ya ito at pati narin ang damit.
"U-uh, you can sleep on the couch if you want to.." I awkwardly said then smiled. Pumunta ako sa kwarto ko at nahiga na.
Maya-maya ay biglang bumigat ang talukap ng mata ko at unti-unting nilamon ako ng dilim.
***
"Hello..?" Pinilig ko ang aking ulo at huminga nang malalim. Nakarinig ako ng kaluskos sa aking likod kaya humarap ako do'n."May tao ba riyan?" Lumunok ako ng ilang beses at dahan-dahang naglakad papalapit sa puno. Wait—bakit ako nasa labas?
Nanlaki ang mata ko nang lumabas ang itim na lobo. I was about to run when he jumped on me. Hindi ko mapigilang mapatili at sinubukang magpumiglas.
Kinagat ako nito at hita at umangil. Hindi ko mapigilang mapaiyak sa sakit at kinagat ang aking labi. Tumingin ako sa aking hita at maraming dugo ag lumalabas.
N-no. Please someone hel-p!
Umangil ito muli at handang kagatin ak—
"Hey! hey! Are you okay? Shit!" Hindi ko mapigilang mapaiyak at yumakap sa lalaking gumising saakin.
"W-wolves," umiiyak ako sa bisig ng lalaki. Unti-unti akong tumahan nang hagurin nito ang aking buhok.
"Shhh. It's okay now. Hush baby. Hush." Huminga ako nang malalim at tumigil na sa pag iyak. Naramdaman kong pinaglalaruan ng dalawa niyang kamay ang daliri ko. His simple acts makes me want to keep him. Napakagat ako ng labi at umalis sa pagkakayakap niya. Nagulat ako nang hilahin niya ulit ako papayakap sakanya. Narinig ko pa siyang umangil kaya sumandal ako sa dibdib niya.
"Just.. stay with me, okay? please, baby. Stay with me." Marahan akong tumitig sakanya at namalayan ko na, na tumatango na ako sakanya.
