XX

332 13 0
                                    

Naranasan mo na ba ang ma-inlove sa isang fictional character? Kasi ako, oo.

Nahulog ako sa katangian ng isang bampira. Hindi lang sa katangian niya, pati na rin sa kaniyang kakisigan. I started reading his stories last month. At nasa gitna na ako ng kaniyang storya. I'm not really a fan of vampire stories talaga, pero nang mabasa ko ang story na 'to ay sobra akong na adik sa kanila...

Napahikab ako habang nagbabasa. Kinusot ko ang aking mata at nagpatuloy sa pagtitig sa mga letra.

Ala una na ng madaling araw at nasa kalagitnaan na ako ng libro. Kung saan hinahabol ni Logan 'yong bidang babae. Choosy pa ni Isabelle. Isang prinsipe pa ng mga bampira ang humahabol sa kaniya.

'He can't control his thirst when he first saw her. He bit Isabelle's neck and turned her into a vampire... but Isabelle's had a past with a vampires. She's mad at them. His tribe killed her parents. In front of her...

She's now a vampire. And now she's angry with herself. But little did she know, the vampires who killed her parents, was a traitor... '

Inipit ko ang bookmark sa libro at ito'y isinarado. Inilapag ko ito sa aking side table. Pagkatapos ay tumayo ako sa pagkakadapa at pumuntang kusina.

Nagtitimpla ako ng gatas nang makarinig ako ng sunod-sunod na lagabog na nanggagaling sa'king k'warto. Kumunot ang aking noo at dahan-dahang pumuntang k'warto.

Hawak ko pa rin ang gatas habang ako'y papaakyat. Pagkapasok ko sa aking k'warto ay nakita ko ang libro sa lapag. Napakamot ako ng ulo at kinuha ito. Ano bayan buhay ata 'yong libro!

Umupo ako sa aking kama at ininom ang aking tinimplang gatas. Tumayo ako at inilagay ang baso sa kusina. Wala ang aking mga magulang dahil mayroon silang business meeting sa iba't-ibang bansa. Kaya mag-isa lang lagi ako sa bahay.

Dali-dali akong bumalik sa k'warto at marahang kinusot ang aking mata. Ilang beses din akong humikab kaya humiga na ako sa aking kama. Itinaas ko ang aking kumot at tumigilid ng higa. Pinatay ko ang lamp shade sa aking gilid. Pagkatapos kong magdasal ay unti-unti na akong nakatulog.

Nagising ako nang makarinig na naman ako ng sunod-sunod na lagabog. Tumayo ako sa pagkakahiga at tiningnan kung anong oras na...

3:03 AM.

Lumunok ako at kinusot ang aking mga mata. Lumapit ako sa lamp shade nang may matapakan ako. 'Yong libro.

Kinuha ko ito at pinagpag. Ano na naman ang ginagawa nito sa lapag?

Nagulat ako nang biglang bumuklat ito at nagpalipat-lipat ang pahina ng libro. At dahil sa gulat ay naibato ko ito. Patuloy pa rin ito sa pagpapalipat-lipat. Napasigaw ako sa takot nang bigla itong umilaw. Napatakip ako sa aking mata.

May nararamdaman akong enerhiya na parang hinihigop ang aking katawan. Ipinikit ko nang mariin ang aking mata at mahinang nagdasal.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata nang maramdamaang wala na ito. Napalingon ako sa aking paligid dahil nag-iba ito. Ang dati kong k'warto ay nawala. At nandito ako... sa gitna ng kagubatan.

Napatingin ako sa aking suot at nakitang nakapantulog pa rin ako. Ngunit pakiramdam ko ay nasa iba akong katawan. Ang dati kong maikling buhok at humaba. Mas gumanda rin ang hubog ng aking katawan. Ano'ng nangyayari sa'kin?

Suminghap ako nang makarinig ako ng mabibilis na yapak. Papalapit nang papalapit ito kaya hindi ko maiwasang tumakbo papalayo.

Parang may kumokontrol sa katawan ko at sinasabing ako'y tumakbo. Tumakbo ako ng mabilis at hindi pa sinubukang lumingon.

Pakiramdam ko ay sobrang bilis kong tumakbo. I can also hear the sound of my breath. Naririnig ko rin ang alulong ng mga aso. Pati na rin ang mabibilis na yapak ng humahabol sa'kin. Teka... humahabol?

Nanlaki ang aking mga mata sa gulat at napatigil sa pagtakbo. Hinihingal akong lumingon at sumalubong sa'kin ang isang matipunong lalaki. Hinihingal din itong nakatingin sa'kin.

Nakapantalon lang ito at wala itong pantaas na damit. Iniwas ko ang aking tingin at lumunok nang ilang beses. Damn, bakit bigla akong nauhaw?

Even the sound of his breathing is so damn sexy!

Napatingin ako sa kaniya nang humakbang siya papalapit. Napaatras ako sa gulat. His jaw clenched nang umatras ako. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi at yumuko. Magkakasala ako kapag lumapit ka sa'kin. Please don't...

"Babe, let's talk," he seriously said.

Napatingin ako sa kaniyang mata at makitang kulay pula ito. I can also feel the color of my eyes changed. But, who is he?

Lumunok ako at umiling sa kaniya. I dont know him. It's just a dream—no, it's a nightmare, Bella.

"N-No," garalgal ang aking boses nang sabihin ko ito. Lumunok ako ulit at umiling nang ilang beses. I heard him sighning.

"Fuck! Isabelle, let's fucking talk!" Huminga siya nang malalim at mariin akong tinitigan. "The vampires who killed your parents is not my tribe. It's my enemy. They're traitors, babe," seryoso niyang saad habang nakatitig ng mariin sa'kin. Naramdaman kong pumatak ang luha sa'king pisnge.

His face soften and quickly pulled me to hug me. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi para hindi ako umiyak nang malakas.

"Shh, it's okay, babe. Hush, I love you." Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin nang lumakas ang aking pag-iyak.

"I-I'm sor—" Napatigil ako sa aking sasabihin nang makaramdam ako ng hapdi sa aking leeg. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kaniyang balikat. Napaungol ako ng mahina nang dilaan nito ang aking leeg. Rinig ko rin ang kaniyang pag-sipsip sa aking dugo. Naramdaman kong humiwalay soya saakin at niyakap ako.

"Damn, Isabelle. What are you doing to me? Damn," bulong niya sa'kin bago ako halikan sa labi.

One shotsWhere stories live. Discover now