Vampire

292 7 0
                                    

DON'T TAKE A BATH WHEN IT'S MIDNIGHT

***
Walang gana kong pinindot ang red button sa aking remote nang wala akong mahanap na magandang palabas. Well, duh. Wala naman talagang magandang palabas kapag hatinggabi na.

Malakas akong bumuga ng hangin at tamad na tumayo para pumunta sa aking banyo. Kinuha ko ang aking nakasabit na tuwalya sa gilid at pinatong ito sa aking balikat.

Tinali ko ang aking buhok pataas at bi-nun ito. Binuksan ko ang gripo sa bath tub at nilagay ang aking kamay sa dulo nito.

Nang maramdamang ayos lang ang temperatura ng tubig ay agad kong hinubad lahat ng aking damit. Walang naiiwang kahit anong saplot. Nilagay ko ang tuwalya sa tabi at sumulong sa tub.

Nahiga ako at pinakiramdaman ang tubig. Pumikit ako at maliit na napangiti. Now this is relaxing...

Dahil sa sobrang pagkakomportable ay hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

"Andrea..."

Agad akong napamulat nang makarinig ako ng mahinang boses. Kumunot ang aking noo nang makitang hindi na ako nakahiga sa tub. Kun'di ay nakatayo ako sa aking banyo habang ilang metro ang layo sa' kin ng aking tub. Nagsimula akong maglakad papalapit doon.

Sa tuwing humahakbang ako ay parang lalong humahaba ang aking nilalakaran. Mas binilisan ko pa ang aking paglalakad hanggang sa tumakbo na ako.

Napatigil ako sa pagtakbo nang may makita akong nakahiga sa tub. Dahan-dahan akong humakbang papalapit. What...

It was a guy... He was peacefully sleeping on my tub. But the thing that shocked me was the color of the water, was red. And it smells like blood...

Yumuko ako para tingnan ng mabuti ang kaniyang mukha. His skin is pale as snow. He does have a red kissable lips and broad shoulders.

Napalunok ako at itinaas ang aking kamay para hawakan ang kaniyang pisngi.

Napatalon ako sa gulat nang gumalaw ang kamay nito at hinawakan ang aking kamay. Sobrang lamig...

P-Patay ba siya... ? Bakit may patay sa aking banyo?

Huminga ako nang malalim ipinikit nang mariin ang aking mga mata. Pagkamulat ko ay sumalubong sa akin ang pula niyang mata.

I was left dumbfounded when his eyes met mine.

He was seriously examining my face. "How dare a girl like you disturbed my goddamn sleep..." he huskily whispered. Enough for me to hear.

He's... alive...

Humigpit ang kaniyang pagkakahawak sa aking kamay.

"A-Aray..." ani ko at sinubukang hilahin ang aking kamay palayo sa kaniya.

"Do you know what I do when some disturbed my sleep?" he said then pulled me towards him. My eyes went wide when I felt his hot breath on my left ear.

"... I punish them," he whispered and the next thing I knew is he's biting my neck. I shouted in pain. I tried pulling myself away from him but he's so strong.

"Your blood... it tastes so sweet," he whispered. Unti-unti siyang lumayo sa' kin. Nagulat ako ng mas lalong pumula ang kaniyang mata.

His thin lips turned into smirk. "Mine."

W-What?

"A-Anong pinagsasabi mo—" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking balikat at kumagat doon. Napahawak ako ng mahigpit sa kaniyang balikat.

"Damn." That was the last thing I heard before I passed out.

My forehead creased as I open my eyes. Agad akong tumayo sa tub at huminga nang malalim.

Thank God. A dream.

Bumuntong-hininga ako at agad na kinuha ang aking tuwalya. Ibinalot ko ito sa aking katawan at umalis na sa tub.

Kumunot ang aking noo nang makitang kulay pula ang naglalaman sa aking tub. What the flock...

Agad kong hinila ang pantakip sa baba para mawala na ang mga tubig.

Damn, I should stop taking a bath on midnights...

Itinagilid ko ang aking ulo at umiling ng ilang beses. Bumuga ako ng hangin at humarap sa aking malaking salamin.

Napahawak ako sa aking leeg nang may makita akong marka roon. Pati na rin sa aking balikat.

Bite marks...

Napalunok ako sa aking nakita at huminga nang malalim. No... it can't be...

"It can," someone whispered on my ears then slowly licked it.

Agad akong napamulat. Kumunot ang aking noo nang makitang wala namang tao sa repleksyon ng salamin ngunit meron akong nararamdamang anino sa aking likuran.

"Anong ginagawa mo rito..." Imbes na sagutin ang aking tanong ay tumawa ito.

"You're really something, instead of asking me who I am, you asked me why the heck am I here..." he chuckled then back hugged me.

He sniffed my hair and exhales deeply.

"Your aroma is so fucking sweet," I was about to say something when I felt him bite my neck.

"Stop... No!" I screamed at the top of my lungs and tried to escape from his tight embrace.

My visions blur and all I saw is black.

Agad akong mapatayo sa sofa at hinihingal na napahawak sa aking dibdib. What a dream...

I should stop dreaming about handsome vampires.

Pinatay ko ang aking t.v nang makitang bukas ito. Humakbang ako papunta sa aking banyo para maligo. Humikab ako at tiningnan ang aming wall clock. Dang, it's already midnight.

Tinanggal ko lahat ang aking saplot at binuksan ang gripo sa aking bath tub. Agad akong sumulong doon at pumikit.

Kumunot ang aking noo habang nakapikit nang may maramdaman akong may sumulong sa' king tub.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.

Nanlaki ang aking mga mata nang makasalubong ko ang pamilyar niyang kulay pulang mata.

One shotsWhere stories live. Discover now