"Okay, class lahat naman tayo may kinakatakutan, right?" Panimula ng aming guro. Nagsi-tangoan kami at sabay sabay na nag 'opo.'
"So, sasabihin niyo saakin ang isa sa inyong kinakatakutan. Okay, we'll start at the back." Tinuro ni ma'am ang isa kong kaklase sa pinakadulo.
Mostly maraming natatakot sa ipis, daga, at butiki. Nang maituro ako ni ma'am ay tumayo ako.
"Heights." Nagsibulungan ang mga kaklase ko.
"Ano? Eyes?"
"Gaga, fear of heights daw."
"Sorry na, haha!"Umupo na ako at tumahimik. Itinuro ni ma'am si Dulce. My secret crush. We've been classmates since kinder. But sadly, he didn't even notice my presence. Syempre. Gwapo siya e.
"Mawala ang mahal ko sa buhay," he straightly said. Nagsitilian ang mga kaklase ko kaya napataas ako ng kilay.
"What do you mean, Dulce?" Ngumisi siya at sumulyap saakin. Nanlaki ang mata ko nang marinig ang kanyang sinabi.
"Ang mawala si Jamaica Lopez Ilagan sa buhay ko."
