Vampire

249 8 0
                                    

DON'T PLUCK THE RED ROSE

***
My mother used to tell me a story when I was a kid, it's about a red rose. That red rose is said to be cursed... it was a handsome vampire where all girls in town admired him. One day, a witch fell in love with him and confessed her love for him. But the vampire rejected her and left her, crying.

Because of too much agony and wrath the witch cursed him—to be a red rose full of spiky thorns. There is only one thing to break the curse, someone needs to pluck the red rose and pick out it's thorns. It's been 25 years yet no one has found the red rose, they said the red rose was located in the forest of our town.

It's a great tale... I used to believe of that story when my mother was alive.

"Rylyn! Tulungan mo naman kami ng kapatid mo, nakikitira na nga lang kayo rito sa bahay ko. Inaatupag mo pa iyang pagtulala sa labas!" I breathed heavily as soon as I heard my auntie's voice outside.

Sinuot ko ang aking kapa bago lumabas sa kaniyang bahay kubo.

"Ikaw na nga ang mas matanda, ikaw pa 'tong tatamad-tamad! Alam ko namang mayaman kayo noon at hindi niyo alam ang gawaing bahay, aba! Simula ngayon ay hindi na dahil masasanay na kayo, kumuha ka ng mga halamang gamot sa loob ng gubat!" After she said all those words I can't help but to bite my lower lip. She didn't even breathe!

Napatigil ako nang kurutin niya ang aking singit. "A-Aray, auntie. Masakit..."

"Talagang masasaktan ka! Anong tinatawa mo riyan? Kunin mo ang bilao at kumuha ka ng mga halamang gamot," mahinahon na niyang saad habang nanlalaki ang mga mata.

Napakamot ako ng ulo habang kinukuha ang bilao sa bakuran. Napahinga ako nang malalim at nagpaalam bago pumunta sa loob ng gubat.

Mas nasasanay na akong magtagalog keysa sa mag-ingles...

Mabuti na rin iyon dahil hindi nakakaintindi si auntie ng ingles, hindi na siya mahihirapan intindihin ang aking mga sinasabi.

Kilalang manggagamot si auntie kaya linggo-linggo akong kumukuha ng mga halamang gamot sa loob ng gubat. Nasanay na rin akong maglibot sa loob ng gubat ng hindi naliligaw, minsan ay hinihiling ko na lamang na maligaw ako nang tuluyan.

I wanted to be lost for a while... hoping that someone will find me.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong halamang gamot sa tabi ng mga halaman. Agad akong lumapit doon at isa-isang kinuha ito.

Dati akong nag-aaral ng medisina. Kaya alam ko ang mga halamang gamot na sinasabi ni auntie.

Napakunot ang aking noo nang makarinig ako ng kaluskos sa aking likod. Agad akong lumingon doon at makitang isang baboy ito. Nang balak ko itong lapitan ay agad itong tumakbo papalayo.

Napanguso na lamang ako at inayos ang pagkakabitbit sa bilao. Nagsimula akong maglakad habang naghahanap muli ng mga halamang gamot.

Makulimlim ang kalangitan ngunit basang-basa ng pawis ang aking buong katawan, pati na rin ang aking mukha. Napagpasya kong magpahinga saglit at ibinababa ang dala-dalang bilao. Umupo ako sa isang puno at sumandal.

Pinahid ko ang pawis na tumutulo sa aking noo at huminga nang malalim. Napapikit ako nang mariin at tumingala.

My parents died in an accident, it was 6 months ago but I can't help but to cry in pain whenever I'm alone. I don't want someone to see me weak. I hate myself for doing so.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang hindi na natuloy ang aking pag-iyak. Tumayo ako at pinagpag ang aking puwitan.

Pinulot ko ang bilao sa lapag at nagsimulang maglakad muli. Habang naglalakad sa maputik na daan ay nakakita ako ng malinis na sapa.

One shotsWhere stories live. Discover now