LUCIFER'S SWEET KISS
***
"Goodnight," I mumbled as I walked towards my bedroom.Hindi ko na pinansin ang aking ama na nanonood sa sala at agad na sinarado ang aking pinto. Malakas akong napabuntong-hininga at pabagsak na humiga sa aking kama. I'm so sleepy...
Mukhang maaga akong makakatulog nito. 7pm pa lang.
Napakusot ako sa aking mata nang ako'y biglang mapahikab. I guess I'll have to cook breakfast tomorrow...
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan akong lamunin ng aking antok.
Napakunot ang aking noo nang makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa aking labi. Dahan-dahan akong naalimpungatan at ramdam ko ang pagtunog ng aking tiyan dahil sa kagutoman.
Malakas kong kinagat ang bagay na nakadampi sa aking labi dahilan para makarinig ako ng baritonong boses na napamura.
Napangiti ako habang nakapikit. Kailan pa nagmumura ang pagkain...
Teka...
Nagmura? Pagkain?!
Nawala ang aking antok na nararamdaman.
Agad akong napamulat at labis ang panlalaki ng aking mga mata nang makitang may lalaking nakasampa sa aking kama habang hinahawakan ang nagdudugo nitong ibabang labi.
"S-Sino ka?!" nanlalaking mata kong saad at agad na napatayo sa aking pagkakahiga sa kama.
Mariin itong nakatitig sa akin habang sapo-sapo ang nagdudurugong labi. Kumunot ang aking noo sa pagtataka.
Bakit ba nagdudugo ang labi nito—
"H-Hinalikan mo ako?!" gulat kong saad.
What the...
Grabe ang pagkaawang ng aking labi dahil sa gulat. "You... you just stole my first kiss!" I glared at him.
Ngunit labis ang aking pagkakagulat nang bigla siyang ngumisi. Hindi lang dahil doon... dahil biglang nawala ang sugat sa kaniyang labi at marahan niya iyong dinilaan para alisin ang nakakalat na dugo.
"I don't..." he coldly answered. Making my forehead creased.
"E, bakit... bakit nagdudugo kanina 'yang labi mo?" marahan kong saad.
Mas lumaki ang kaniyang ngisi. Saka ko lang napagmasdan nang maayos ang kaniyang mukha.
The first thing I noticed is his messy jet-black hair that fits perfectly on his manly jawline, down to his perfectly pointed nose, furry eyebrows, and pinkish lips.
"You bit me, remember?" he said. Chuckling.
Agad akong napabalik sa reyalidad at masama siyang tiningnan. "So, you kissed me!" I exclaimed.
He slowly nods at me while smirking. "Yeah," he answered.
Kinuha ko ang aking unan sa kama at buong lakas ko itong ibinato sa kaniya. "You, stranger! Get out or I'll call the police!" nangangalati kong sigaw.
Ngunit sinalo niya lamang iyon at ibinato kung saan. Nakahalukipkip niya akong tinitigan habang mabilis na dinilaan ang kaniyang sariling labi.
Hindi ko mapigilang mamula dahil sa klase ng titig na ibinibigay niya sa aking labi.
"M-Manyak..." bulong ko na hindi nakatakas sa kaniyang pandinig. Malakas siyang napatawa at umiiling na tumingin muli sa akin.
"I'm only deviant when it comes to you, Fumei," seryoso niyang saad at dahan-dahang naglakad papalapit sa akin. How...
Hindi ko mapigilang mapaatras ngunit agad ring napatigil nang maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likod.
Kitang-kita ko ang pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata. Hindi na agad ako nakapagsalita nang bigla siyang sumulpot sa aking harapan at mabilis na hinagkan ang aking labi.
Malambot. Nakakaadik.
Tumagal ng ilang segundo ang aming halikan. Bago siya humiwalay ay ramdam ko ang mahina niyang pagsipsip sa ibaba ng aking labi.
Napaawang ang aking ibabang labi dahil sa gulat. Ayaw maproseso sa aking utak ang nangyari...
Nanlalambot ang aking tuhod. Napataas ang aking paningin sa misteryosong lalaki.
Sumalubong sa akin ang kaniyang pulang mga mata. So I was right... his eyes were red.
"Finally. That's the 10th time..." he said. Licking his lower lip, again.
Kumunot ang aking noo habang nakaawang pa rin ang labi. Bumakas sa kaniyang mukha ang tuwa habang nakatitig sa akin.
"But you're wide awake right now, so..." dugtong niya pa at pinaglalaruan ang kaniyang labi sa tuwa.
Lalong bumakas sa aking mukha ang matinding pagtataka. "Anong..."
"That's the 10th kiss and I'm getting addicted," nakangisi niyang saad at ngumuso para pigilan ang paglabas ng malaking ngiti.
Dahan-dahang nanlaki ang aking mga mata sa gulat. Ramdam ko rin ang paglakas ng tibok ng aking puso sa narinig.
Umayos siya sa kaniyang pagkakatayo at umatras. "I gotta go... see you again, Fumei. I hope you can remember me now..." hindi ko narinig ang huli niyang sinabi ngunit napabalik ang aking paningin sa kaniya nang kumindat siya sa akin at mabilis na nawala sa aking paningin.
Ang tanging narinig ko lamang ay ang pagsara ng aking malaking bintana sa balkonahe.
Tuluyan na akong napaluhod sa sahig dahil sa nanlalambot kong tuhod.
Nanginginig akong napahawak sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang kaniyang malambot na labi roon...
Napsulyap ako sa aking gilid kung nasaan ang aking malaking salamin.
Kitang-kita ko sa aking repleksyon ang malaking ngiti na nakaplaster sa aking labi.
Dahan-dahan akong tumayo at humiga sa aking kama na para bang walang nangyari. Nakaplaster pa rin ang matamis na ngiti sa aking labi.
Agad akong napamulat habang sapo-sapo ang aking labi. Tumatama ang mainit na sinag ng araw sa aking balat. Kumunot ang aking noo sa pagtataka at mabilis na tumakbo sa aking malaking salamin.
Hinaplos ko ang aking mapula-pulang labi. Napakagat ako rito habang napalunok.
Malakas akong napabuntong-hininga habang napaupo sa aking kama. Was it a dream?
Itinagilid ko ang aking ulo pakanan. Nahagip ng aking paningin ang aking salamin. Ngunit hindi lang dahil doon, dahil sa peklat sa aking leeg.
Kailan pa ako nagkapeklat sa leeg?
It's so strange yet familiar...
It's two bite marks...
Napatigil ako nang makaramdam ako ng anino sa aking likod.
B-But there's no reflection on the mirror...
"A vampire can recognize his own mark on his mate's neck," he whispered.
I slowly looked at him. His familiar smirk is the first thing I saw.
"Ross..." I whispered.
His smirk formed into genuine smile. "Now, Fumei... are you ready for your 11th kiss?"
