Werewolf

242 6 0
                                    

DON'T LOOK INTO A WEREWOLF'S EYES

***
"And—don't... you ever look into a werewolf's eyes," my sister, Shania said.

Napakunot ang aking noo at nagtatakang nakatingin sa kaniya. "What if I accidentally looked at them in the eyes?" I snorted.

She glared at me, "just don't, it's a curse. You'll be trapped with that wolf, forever," she answered and pushed my shoulders lightly.

"T-Teka lang," aniko. Tumigil naman siya at nakahalukipkip na tumingin sa akin.

Malaki akong ngumiti sa kaniya at itinaas ang isa kong kilay. "Walang foreve—"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang malakas niya akong tinulak palabas ng bahay at mabilis pinagsaraduhan ng pinto.

Napanguso na lamang ako at padabog na naglakad palayo. Napakasungit talaga...

Niyakap ko ang aking suot na balabal at tahimik na nagpatuloy sa paglalakad. Napatingala ako sa kalangitan at hinigpitan ang aking pagkakahawak sa hawak na bilao. Kulay kahel ang kalangitan dahil sa paglubog ng araw. Napakaganda...

Napabuntong-hininga ako at nakangusong tumingin sa hawak kong bilao. Nangangawit na ako, ang bigat naman...

Kinakailangan kong pumunta sa bayan para ihatid ang pagkaing kailangan ng mga bata sa pagamutan. Dapat si Shania ang maghahatid nito ngunit marami siyang ginagawa sa bahay kaya ako ang napagutusan na ihatid ito.

Ito ang unang beses na maghahatid ako ng pagkain dahil ako naman talaga ang nagluluto ng pagkain at si Shania ang tagahatid.

Muntik ko nang mabitawan ang aking hawak na bilao nang matapilok ako sa malaking ugat ng puno.

Pigil hininga ang aking ginawa dahil sa kaba. Muntik na ako roon!

Lakad takbo ang aking ginawa para mabilis na makapunta sa bayan. Aabutin ako nito ng gabi.

Maraming tao sa bayan at maraming mga paninda sa gilid na nakalapag sa sahig.

Napalunok ako dahil sa kaba. How am I supposed to know who's werewolves or not?

Damn...

Nakayuko akong naglakad para iwasan ang mga mata ng mga naglalakad.

Agad akong pumasok sa pamilyar na pinto at bumungad sa akin ang maiingay na bata. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sigla nila nang lapitan ako.

"Ate, ate. Nasaan si ate Shan?" ani ng isang maliit na boses sa aking gilid, hinihila ang dulo ng aking bestida.

Napanguso ako at umiling, "busy si ate Shan niyo, ako muna ang maghahatid ng pagkain niyo , ha?" Napagaya naman ang batang babae sa aking ginawang paglabi at tumango.

Isa-isa kong inabutan ang mga bata ng pagkain. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa maliliit nilang boses na nagpapasalamat.

Nakakagigil sa sobrang cute!

Agad akong napatingin sa pinto nang marinig ko ang bell, ibig sabihin ay bumukas ito. Nanlaki ang aking mata sa bigla nang makita ko ang isang bata na mabilis na tumakbo palabas.

"Hoy—teka!" Nabitawan ko ang aking hawak na mansanas at mabilis na sinundan ang bata palabas. Abot-abot ang aking kaba dahil sa sobrang dami ng mga tao, nahihirapan akong sundan ang batang lalaki.

Hinihingal akong napatigil nang makita ko ang bata sa labas ng isang tindahan. May kausap na lalaki.

Napahawak ako sa aking magkabilang tuhod at naghabol ng hininga.

One shotsWhere stories live. Discover now