XI

455 15 0
                                    

Kasalukuyang naghihintay si Nicole sa hospital dahil tinawagan siya ng nurse sa hospital dahil isinugod ang kuya niya.

Ang sabi ay pinagtangkang holdapin ang kuya niya pero nanlaban ang kaniyang kuya at sinaksak ito sa tagiliran. Buti nalang ay may nakakitang barangay tanod sa kuya niya kaya naidala pa sa hospital. Alas dos na ng madaling araw at kanina lamang isinugod ang kaniyang kuya.

Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking pisngi nang lumabas ang doktor. Tumayo ako at lumapit sa doktor.

"D-Dok, ayos na po ba s'ya?" Nanlalabo ang paningin ko dahil sa pagod at gutom. Hindi ako kumain ng hapunan at umagahan dahil nag-aalala ako sa aking kuya. Tiniis kong hindi kumain dahil kailangan ko ng pera.

Lahat ng kamag-anak ko ay napuntahan ko na pero lagi nila akong tinataboy. Hindi alam ng aking ina kung anong nangyari kay kuya.

Busy siya sa kaniyang bisyo. Simula nang mamatay si tatay ay palagi nalang siyang nasa kabilang bahay. Minsan lang siya umuuwi kapag wala na siyang pera. Masakit para sa akin ang nangyari pero kailangan kong makapagtapos para makakuha ako ng matinong trabaho.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto at nginitian si Kuya. Tumutulo ang kaniyang mga luha.

"S-sorry, bunso," mahina niyang sambit.

"Para saan, kuya?"

"Ako ang panganay sa ating dalawa pero ako itong hindi nag-iingat, pasensya na," naiiyak niyang sabi.

"Ano ka ba, kuya. Wala ka namang kasalanan sa nangyari, hindi mo naman alam na hoholdapin ka 'diba? Ayos lang 'yan, kuya," natatawa kong sabi at pinahid ang luhang tumulo sa aking pisnge. Pinagpahinga ko na siya habang ako naman ay kukuha ng kape.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang makinig sa usapan ng dalawang tao sa aking gilid.

Naglalakad din sila sa iisang direction kaya halos magkasabay kami. Binagalan ko ang paglalakad para hindi nila ako mapansin.

"Damn. He's been coma for 18 years, they need him, we need him, Elle." Rinig kong sabi nito sa katabing babae. Lumayo ako sa kanila at pumunta sa coffee machine. Habang nagsasalin ng kape ay hindi ko maiwasang mapaisip.

Coma? For 18 years? Ang tagal naman no'n.

Pagkatapos kong kumuha ng kape ay pumunta na ako sa kwarto ng aking kapatid. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kabilang room. Bigla kasing bumukas ang pinto nito.

Hawak-hawak ang kape ay dahan-dahan akong pumasok. Lumapit ako sa kama at makitang may lalaki ro'n. Inilipag ko ang kape sa gilid at pinagmasdan ang lalaki.

Ang hugis ng mukha niya ay perpekto. Mayroon siyang mahahabang pilik mata. Mapula ang kaniyang labi. Maputi at makinis din ang kaniyang mukha na dinaig pa ang mga babae sa aming school na tadtad ng foundation ang mga mukha.

Napanguso ako at dahan-dahan umatras. Nadali ko ang kape sa aking gilid kaya nahulog ito. Natalsikan ang aking paa kaya napasigaw ako sa hapdi. Mainit pa ang kape kaya dali-dali akong tumakbo papalabas at pumuntang cr. Binasa ko ang aking paa at bumalik sa kwarto ng lalaki. Isinarado ko ang pinto dahil maaaring may makakita sa akin.

Pagkadating ko do'n ay labis akong nagtaka dahil wala na doon ang lalaki. Maingat kong pinulot ko ang paper cup at pinunasan ang sahig ng hawak kong basahan. Itinapon ko ang paper cup sa basurahan sa gilid at balak ng umalis.

Napatigil ako sa paghawak ng doorknob nang may nagsalita.

"Leaving, huh?" Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan dahil ramdam ko ang init ng kaniyang katawan sa aking likod.

"S-sino ka?" Itinagilid ko ang aking ulo para makita siya nang hawakan niya ang aking balikat.

"I.. just want to thank you. For waking me up for so many damn years," anito.

Teka-

Nanlaki ang mata ko. Hindi kaya siya 'yung lalaking na coma ng labing-walong taon?

"Yeah, you're right, baby. I am that man.. so can I bite you, thank you now?" Hinihingal niyang sabi at hinawi ang aking buhok.

"Teka a-anong-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang maramdaman kong kinagat niya ang aking leeg. Ramdam ko ang panghihina ng aking katawan. Ramdam ko rin ang pagsipsip niya ng dugo sa aking balikat. Wala akong magawa kundi umiyak sa sakit. Napatigil ito sa ginagawa.

"Fvck," mahina nitong mura nang makita ang aking kalagayan. Ang mata nito ay kukay pula. Bumalik ito sa normal nang makita akong umiiyak. Napakagat nalang ako ng labi dahil sa sakit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ay ang mga nakasabay ko kanina.

Namumula ang mata nila pero nang makita nila ako ay nanlaki ang kanilang mga mata.

Nanlabo ang aking paningin. Bago ako mawalan ng malay ay ramdam ko ang pagsalo sa akin ng misteryosong lalaki. Ramdam ko ang init ng katawan nito. Bago ko tuluyan ipikit ang aking mga mata ay rinig ko ang sigaw ng babae.

"Von!"

One shotsWhere stories live. Discover now