Werewolf

346 10 0
                                    

Tahimik akong naglalakad sa gitna ng gubat. Hawak-hawak ang aking pana.

Mahigpit ang aking pagkakahawak do'n. Dahil hindi mo alam kung kailan darating ang iyong kalaban.

Nakasuot ako ng mahabang jacket na tumatakip sa buo kong katawan. Nakapantalon akong itim na humahapit sa aking hita. Nakasabit sa aking balikat ang mga baong palaso.

Natatakpan ang aking kulay pulang buhok dahil sa hood na aking suot. Napatingin ako sa aking gilid nang makarinig ako ng kaluskos.

Ngunit agad ding napatingala nang may pumatak na tubig sa tungki ng aking ilong.

It's raining.

Inis kong sinukbit ang aking pana at umatras. Bumuntong-hininga ako at tumalikod. Naglakad ako palabas ng gubat.

I'm a wolf hunter. I hunt them one by one. And kill every last pack of them.

That's my job. Binebenta ko ang kanilang balahibo sa bayan para gawing damit. Everyone knew me as a merciless wolf hunter. At 'yon lang ang gusto kong ipaalam sa kanila.

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mahihinang angil. Agad kong hinawakan ang aking pana at kumuha ng palaso. Yumuko ako ng kaunti at dahan-dahang humakbang papunta sa mahihinang ingay.

Nagtago ako sa isang malaking puno at sumilip. Agad akong napangisi nang makitang dalawang asong lobo ito. Agad ako pumwesto at tinutukan ang isang lobo.

Tamang-tama. Kulay puti ang kaniyang balahibo. Malaking pera 'to.

I was about to hit the white wolf when it growled. Agad na nanlaki ang aking mata sa gulat nang mag-anyong tao ito. Ang kulay dilaw nitong mata ay nakasalubong ang aking nanlalaking mata.

Napaatras ako. W-What is that?

Isinukbit ko ang aking pana at tumakbo papalayo. Rinig ko ang mabibilis nitong hakbang papunta sa akin.

Mas binilisan ko ang aking pagtakbo. Hindi pinapansin ang putik na sumasabit sa aking paa. Natanggal na ang aking kapa dahil sa pagtakbo. Nanlalabo ang aking paningin dahil sa patak ng ulan.

Napatigil ako sa pagtakbo nang tumalon ito sa aking dadaanan.

He's back! He's still the white wolf that I saw...

His yellowish eyes stared at me. His eyes, there's something in his eyes. He growled at me kaya napaatras ako sa aking pagkakatayo. Bumuga ako sa hangin. Damn. I must be imagining things.

Humakbang papalapit sa akin ang lobo kaya hinanda ko ang aking pana. Itinutok ko ito sa kaniya at sinabulong ang kaniyang mga mata.

"Seriously, Drew. She's your mate? Bakit kulay pula ang buhok niya?" Napatingin ako sa aking gilid nang may nagsalitang babae. Agad kong ibinalik ang aking paningin sa lobo.

Nabitawan ko sa gulat ang aking pana nang makitang may lalaki sa aking harap. Napaawang ang aking labi dahil wala itong pang-itaas na damit.

Balak kong pulutin ang aking pana nang tapakan niya ito. Agad akong nagtaas ng tingin at masama siyang tiningnan. Agad na nanlaki ang aking mata. His eyes. His yellow fucking eyes!

Napaatras ako sa takot. No way—

Napatili ako nang madulas ako pababa. May kamay na humawak sa akin. Itinaas ko ang aking paningin. Nakasalubong ko na naman ang kaniyang dilaw na mata.

He smirked. "Hey red-haired girl. I catched you from falling..." He bit his lower lip before he asked. "Can you also catch me?"

One shotsWhere stories live. Discover now