Vampire

248 7 0
                                    

IT ALL STARTED WITH A BITE

***
"My grandmother once said that if the moon's full something bad will happen," seryosong saad ni Aki habang nakatingin sa labas. Agad akong napatingin sa labas ng bintana at sinilip ang buwan.

The moon looks good when it shines so brightly...

And also the tall trees outside and the creepy roads are giving me chills.

"Stop saying creepy stuffs again, Aki. Tinatakot mo lang ang sarili mo," maarteng saad ni Darlene at umirap sa kawalan.

Napatigil ako sa pagtitig sa buwan at bumuntong-hininga.

Tahimik lamang ang aming kasamang tatlong lalaki habang ang isa naman ay nagmamaneho ng sinasakyan naming van. We're here for a trip. My friends and I are going to Darlene's old mansion.

"Guys, mukhang uulan pa ata," rinig kong saad ni David at sinilip ang makulimlim na langit.

"Parang... walang mga bituin e," aniko. Rinig ko ang mahihinang pagmumura ng aking nga kaibigan sa aking sinabi.

Nagkibit-balikat nalang ako at sinubukang gunalaw sa aking pwesto. Ilang oras na akong nakaupo rito panigurado'y mamanhid ang aking pwet.

Kinuha ko ang aking ipod at sinuksok ang aking earphone sa aking magkabilang tainga.

Music playing - The Climb by Miley Cyrus 🎵

This is going to be a long ride, for sure...

"Astrid, wake up, samahan mo ako umihi," rinig kong saad ni Aki at mahina akong niyugyog sa balikat.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at humikab. Inunat ko ang aking leeg at nagkamot ng ulo. Nakatanggal pa ang isa kong earphone sa aking tainga.

"Bakit tayo nakatigil?" nagtatakong saad nang makitang nakaparada sa isang gilid ang aming sinasakyang van.

"Nagloko na naman 'yong makina, tinitingnan nila David. Tara samahan mo na ako, kanina ko pa 'to pinipigilan e." Ngiwi niya at lumabas.

Tinanggal ko ang aking suot na earphone at sinuksok ito sa aking bulsa ng aking jacket at lumabas na rin.

I can't help to hug myself even though I'm wearing a jacket.

Sinundan ko si Aki na naglalakad papasok sa gubat.

"Teka lang naman," saad ko at tumakbo papalapit sa kaniya.

"Ang bagal mo, dali," bulong niya at humakbang ng mabilis. Napakagat ako sa ibaba ng aking labi at hinawi ang malalaking damo na nakaharang.

Tumigil siya at lumingon sa 'kin.

"Layo-layo ka ng onti, dito na ako iihi," aniya at tinaboy ako. Napasimangot ako at lumayo.

Sinisipa-sipa ko ang damo sa aking harapan nang makarinig ako ng mahihinang daing. S-Sinong...

"M-May tao ba riyan..." mahina kong saad at naglakad papalapit sa malaking puno. Kinuha ko ang aking cellphone para makita nang maayos ang aking dadaanan.

"Goddamn it!"

Agad na kumunot ang aking noo nang makarinig ako ng pagmumura sa likod ng puno na nasa aking harapan.

"Hello... ?" Itinapat ko ang aking cellphone sa lalaking nakasandal sa puno. His white shirt is full of blood. His body is full of cuts and wounds. What happened?

Tumaas ang aking paningin sa kaniyang mukha. His face isn't facing on me but I can clearly tell that he's handsome that every girls are dying for.

Nabitawan ko ang aking hawak na cellphone nang humarap siya sa 'kin at sinalubong ako ng kaniyang mapulang mga mata.

Dahil sa taranta ay agad kong pinulot ang aking cellphone. Nang itapat ko ang aking flashlight sa lalaking nakasandal sa puno ay labis ang aking gulat nang makitang wala na siya roon. Napatalon ako nang makaramdam ako ng anino sa aking likod.

Then someone's hands snaked on my waist to hug me. My breathing hitched when I felt his breathing on my left ear.

Mabagal at mainit ang kaniyang paghinga. Kahit na may suot akong jacket ay ramdam ko ang init ng kaniyang katawan.

Malakas ang pagtibok ng aking puso dahil sa aking kakaibang nararamdaman.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakayakap sa aking bewang. Sinubukan ko itong tanggalin ngunit mas bumabagal ang kaniyang paghinga at humihigpit ang kaniyang pagkakahawak.

Biglang nanlaki ang aking mga mata nang hilahin niya ang aking kamay na nakahawak sa kaniyang isang kamay at inikot ako paharap sa kaniya.

Ngunit sa sunod niyang ginawa ay labis ang aking pagkagulat.

He bit my wrist using his teeth—no his sharp fangs!

Bumakas sa aking mukha ang hapdi at sakit. I can feel his teeth sucking my blood. It hurts...

My eyes darted at him. His brooding red eyes was staring at me intensely. I don't know but his stares... it made the pain go away.

Lumayo siya sa akin at pinahid ang dugo na nasa gilid ng kaniyang labi. Napalunok ako sa kaniyang ginawa at napansin kong wala na siyang mga sugat sa katawan.

"H-How..." agad siyang napangisi sa aking turan at dinilaan ang ibaba ng kaniyang labi.

H-He looks hot when he does that.

"Thank you, Mon amour," he sincerely said then quickly pulled my nape to kiss me. Madiin ang kaniyang halik.

But his lips were soft and addicting. I can't help but to moan when he suck my lower lip and bit it. My lip bled but he suck it to stop the bleeding.

Napaawang ang akin labi sa kaniyang ginawa nang siya'y unti-unting humiwalay.

Nakangisi siya sa 'kin at pinagmasdan ang aking mukha.

"W-What happened to you earlier?" nahihiya kong saad. He didn't bother asking my question because he was busy playing with his lips, still smiling.

Ilang segunda ang lumipas nang siya'y nagsalita muli, "just some stinky bad wolves, babe," he said and lick his lips... again.

W-Wolves?

"Yeah, wolves. Very bad bad wolves, so be careful because they might hurt you, I don't like the idea of someone hurting you. You'll just experience pain when I'm biting every part of your body, got that?" mahaba niyang litanya at mabilis akong hinapit muli sa bewang at sinakop ang aking labi.

His kisses were different this time. It was soft and gentle. I can't help but to close my eyes and gave in.

"Astrid, wake up... We're here." agad akong naalimpungatan nang may mahinang yumugyog sa aking balikat. Sumalubong sa akin ang sinag ng araw at pananakit ng aking leeg dahil sa aking pwesto.

H-Huh? Was it a dream?

Napansin kong ako na lamang ang hinihintay sa labas kaya agad akong tumayo paalis ng van.

Naghihikab pa ang iba kong kasama habang nakatingin sa mansyon nila Darlene.

Walang gana akong napatingin sa mansyon at naghihikab na nagkusot ng aking mga mata. I can feel my lips' swollen...

"Let's go guys, my cousin's came by here, I'll let you meet him," salubong sa amin ni Darlene at nakangiting iginaya kami papasok sa mansyon.

Napalunok ako habang sinusundan ang aking mga kaibigan. I don't know but every time I take a step my heart pounds fast. Humarap sa amin si Darlene at nakangiting ipinakilala ang kaniyang pinsan.

"Guys, he's Riór, my half cousin. Riór, meet my friends..." she introduced us one by one. My heart literally stopped.

"... and last but not the least Astrid." I can feel my world stops as his serious eyes darted at me.

My breathing also hitched not because of his handsome face.

But because of his unfamiliar brown eyes and his familiar smirk.

One shotsWhere stories live. Discover now