XII

422 17 0
                                    

"Papa, saan po ba tayo pupunta?"

Pang-limang beses ko nang tanong ito sa aking papa. Nangangati na ang aking puwet dahil sa limang oras na akong nakaupo dito at naghihintay sa sasakyan ay hindi ko alam kung saan man lupalop kami pupunta.

"Just rest, Jaymee." Napairap nalang ako sa kaniyang sinabi at tumingin sa labas ng bintana. Bukod sa mga punong matataas ay wala na akong makita. Medyo madilim na rin at umaambon ng onti.

Hindi naman ako nainform ni papa na mag babakasyon pala kami sa gubat edi sana dinala ko ang ipod ko. Ano bayan!

Biglang tumigil ang sasakyan kaya napatingin ako sa harapan.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni papa sa driver.

"Mayroon pong tatlong lalaki na nakaharang sa daan," magalang nitong saad. Kumunot ang noo ko at tumingin sa labas. Mayroon ngang tatlong lalaki. Bukod sa kapansin-pansin ang kakisigan nila ay halata rin na mga g'wapo ito. Naiilawan sila ng ilaw ng kotse namin kaya malaya ko silang napagmamasdan.

"Tell them to leave. They're blocking the driveway," ma-awtoridad na ani ng aking papa. Pinagmamasdan ko ang tatlong lalaki nang biglang bumusina ang aming driver.

Hindi sila natinag sa kanilang pwesto. Ilang beses na bumusina ang aming driver ngunit hindi pa rin sila umaalis.

Lumabas ang aming driver at lumapit sa tatlong lalaki. May kung anong sinabi siya sa mga ito pero nakatingin lamang ito sakaniya.

Parang pinagmamasdan lang siya. Maya-maya ay lumabas na rin ang aking papa. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng kaba at takot para sa kanila. May pinaguusapan sila at maya-maya ay tumango-tango ang aking papa at mukhang nagpapaalam.

Pagkaharap sa akin ni papa ay kita ko kung paano mag anyong hayop ang tatlong lalaki.

Nanlaki ang aking mata. Dinambahan ng isa ang aming driver at hindi ko mapigilang mapatili. Gano'n din ang ginawa ng isa sa aking papa.

Sumigaw ako nang malakas sa aking nakita at dali-daling pumunta sa front seat.

Nanginginig kong ni-lock ang pintoan at niyakap ang aking tuhod. Hindi ko mapigilang mapahagulgol nang iyak dahil kinakalampag ng isa ang kotse.

Gumagalaw ang kotse dahil sa malakas na pagkalampag ng malaking aso.

Tinakpan ko ang aking tainga at kinagat ang aking labi. Please.. someone help.

Humihikbi ako dahil na rin sa takot. Lord, please help-

Napatigil ako when I heard someone growled. His voice was different from the other animals outside. It sounded like.. deep and authority. He's like talking to the big dog out there.

Ramdam ko ang pagtahimik ng paligid at tanging paghikbi ko nalang ang naririnig.

Bigla akong napatili nang biglang nasira ang pinto ng kotse sa aking gilid. May humila nito kaya tinakloban ko ang aking mukha. Mas lumakas ang aking pag-iyak dahil sa nangyari.

Ramdam ko ang pagbalot ng mainit na katawan sa akin. Ramdam ko rin ang paghaplos nito sa aking buhok.

"Shh. Hush, baby. Don't cry, I'm already here. The bad wolves are not here anymore, okay? Shh," matigas nitong ani. Naramdaman kong hinalikan nito ang aking ulo nang sunod-sunod.

Ramdam ko rin ang pagtiim ng bagang nito. Hindi ko mapigilang mapayakap sa estraherong lalaki at humagulhol nang iyak.

"M-My dad-"

"Shh, hush. I know, baby. Just.. rest ang you'll forget what happened, okay?" Tumango-tango ako sa kaniyang sinabi bago ako mawalan ng malay.

One shotsWhere stories live. Discover now