BRING ME TO LIFE
***
"Jessica! Nandito na 'yong mga judges!" Napatigil si Jessica sa paglalagay ng eyeliner sa kaniyang mata nang tawagin siya ng kaniyang ka-banda.Tumayo siya sa pagkakaupo at ngumisi kay Lorraine.
"Tara," bakas sa kaniyang boses ang pagiging sabik sa pagtugtog. Lumabas siya ng silid at pumunta sa backstage.
Huminga siya nang malalim at pinunasan ang kamay sa kaniyang kulay itim na damit. Nakaupo siya habang naghihintay na tawagin ang kanilang banda.
"Hello, good evening everyone! I'm Anne and I'm your emcee for today. Welcome to Battle of the Bands! Btw, thank you for attending and judging this program Mr. & Mrs. Santiago, Ms. George and Mr. Conrad! We appreciate your presence. So let's start!" Matapos mag-speech ng emcee at tinawag na nila ang unang tutugtog. Inayos ng babae ang mic at ngumiti sa mga nanonood. Maraming nagpalakpakan nang magsimula ng kumanta ang babae.
"We'll do it all... everything... on our own..." Napairap siya sa kinanta ng kanilang kalaban. Really? Chasing cars? For real?
"Let's give a round of applause... Jar of Bass!" Marami siyang narinig na palakpakan kaya umirap nalang si Jessica sa kawalan.
Makalipas ng ilang oras ay sabik na napatayo si Jessica dahil narinig niya na tinawag na ang pangalan ng kanilang banda.
Inayos niya ang suot na t-shirt at sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang daliri. Sabay-sabay silang lumabas sa backstage at pumunta sa kani-kanilang p'westo. Mas lumakas ang hiyawan nang makita sila ng mga manonood. Mayroon pang sumisigaw ng kami-kanilang pangalan.
Apat silang magkakagrupo at siya ang drummer. Lahat sila ay babae kaya marami sa kanila ang hinahangaan.
Itinali niya ang kaniyang buhok at inilibot ang paningin sa harap. Napako ang tingin niya sa lalaking nasa gilid. Nakapatong ang magkabila nitong siko sa mesa. May nakalagay na 'Judge' sa gilid ng polo nito at may hawak na ballpen. Itinaas nito ang ballpen at kinagat ang dulo nito.
Napaiwas siya ng tingin dahil seryoso siya nitong tinititigan.
"1, 2, 3, go," mahinang saad ng kanilang vocalist. Unang tumugtog ang kanilang guitarist at pagkanta ni Lorraine.
"How can you see into my eyes like open doors?
Leading you down, into my core
Where I've become so numb, without a soul
My spirit's sleeping somewhere cold
Until you find it there, and lead it, back, home..."Lumunok siya at pinahid ang pawis na tumutulo sa kaniyang noo. Pagkatapos ay inihampas niya nang ilang beses ang drumstick at bigay todo itong tinambol. Nagsigawan ang mga madla at itinaas ang kanilang kamay habang sumasabay sa pagkanta.
"Wake me up inside
Wake me up inside
Call my name and save me from the dark
Bid my blood to run
Before I come undone
Save me from the nothing I've become..."Napangiti siya at bigay hataw sa pagda-drums. Napapa-head bang pa siya habang sumasabay sa pagtugtog.
"Frozen inside, without your touch
Without your love, darling
Only you are my life
Among the deadI've been sleeping a thousand years it seems
Got to open my eyes to everything
Don't let me die here
Bring, me, to, lifeWake me up inside
Wake me up inside
Call my name and save me from the dark
Bid my blood to run
Before I come undone
Save me from the nothing I've become
Bring me to life
Bring me to life
Bring me to life..."Isang hampas at hinihingal siyang napangiti. Wala siyang ibang naririnig kundi ang sigawan ng madla. Tumayo siya at tumabi sa kabanda. Sabay-sabay silang yumuko at nagpasalamat. Bago bumaba ng stage ay napatingin siya sa kaninang lalaki.
