DEDICATED TO: Loubel Anatalio, belated happy birthday. (I want to tag you, but ayaw e. Haha belated happy birthday ulit. Sorry matagal.)
***
"Maligayang bati, maligayang maligayang maligayang bati." Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa'kin ang aking mga magulang. Bumangon ako sa pagkakahiga at makitang nakangiti akong pinagmamasdan.Mayroon silang hawak na cake habang kinakantahan ako. Hindi ko mapigilang mapaluha at yumakap sa kanila.
"Thank you, ma at pa," bulong ko sa kanila. Gumanti sila ng yakap.
"We love you, anak," saad ni mama.
Humiwalay ako sa kanila at ngumiti. Inilapit nila sa'kin ang aking cake. Ipinikit ko ang aking mga mata at humiling bago hipan ang aking kandila.
I wish that I can have a unforgettable gift...
Agad kong iminulat ang aking mga mata. Agad na kumunot ang aking mata dahil wala na ako sa aking k'warto wala rin ang aking mga magulang.
Nasa isa akong pasilyo. The wall's color white. Nababalutan ito ng pulang... likido?
Humakbang ako papalapit sa isang litratong nakakabit sa pader. A family picture. Isang magandang babae, may nakaakbay sa kaniyang isang matikas na lalaki. Kahit sa litrato malalaman mong kinakatakutan sila.
Powerful.
Mayroong tatlong bata. Two boys and one girl. But someone got my attention. Siya lang ang naiiba sa litrato... and he's not smiling. He has that red eyes na para bang tagos kung tumitig. They all have a red eyes. But this one's different. His eyes... It's like dead. No emotion. Parang patay.
I think he's the brother of these three. And that woman and man are their parents.
Napatingin ako sa aking gilid nang makarinig ako ng kaluskos. Lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. O gosh, I hate weird noises...
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa ingay. Pilit na tinatatagan ang loob.
Bumungad sa akin ang isang k'warto. Typical bedroom. But this one's like a little house. Mayroong maliit na ref, maliit na living room, at kainan.
Dahan-dahan akong pumasok. The noise's coming from the balcony. Parang sumisipol...
Lumunok ako nang ilang beses bago buksan ang pinto sa terrace. Agad na bumungad sa'kin ang isang matipunong likod ng lalaki. Nakaupo siya sa gilid. Bigla siyang huminto sa pagsipol at itinagilid ang kaniyang ulo.
Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang panga. His jaw is perfectly shaped.
He's familiar...
Lumakas ang hangin kaya napayakap ako sa aking braso. I-I should go...
Dahan-dahan akong umatras nang bigla siyang tumayo. Pigil ang aking hininga nang halos dangkal nalang ang aming agwat. H-How did he do that?
His jaw tightened more. Nakasalubong ko ang kaniyang pulang mata. Napaawang nag aking ibabang labi dahil sa taglay nitong kagwapuhan.
Shit! Mas g'wapo siya sa personal...
His serious face become more deadly.
"Who are you..." mahina niyang tanong. Napalunok ako at umiling. Bigla siyang napangisi.
Hinawakan niya ako sa balikat. Napatalon ako sa aking pagkakatayo nang makarating kami sa loob ng k'warto sa tapat mismo ng kama. He's not normal.
Umupo siya ro'n. Napaawang ang aking ibabang labi nang hilahin niya ako paupo sa kaniyang hita. Agad na nag-init ang aking pisnge nang maramdaman ko ang kaniyang mainit na hininga sa aking batok.
Nakatalikod ako sa kaniya habang nakaupo. A-Anong gagawin niy—
Agad na nag-init ang magkabilang sulok ng aking mata nang makaramdam ako ng matulis na bagay na nakatusok sa aking leeg. H-He's sipping my blood...
Unti-unting nanghina ang aking katawan. Nanlalabo ang aking paningin nang mapatingin ako sa kandilang nakasindi sa gilid ng kama. Biglang namatay ang sindi nito hanggang sa mawalan na ako ng malay.
Agad kong iminulat ang aking mata. At makitang nakangiting nakatingin sa'kin sila mama at papa. W-What happened?
"Blow your candle, Loubel," ani ni mama. Kunot noo kong hinipan ang kandila.
Lumabas sila ng aking k'warto at kumukuha ng pinggan. Napaupo ako sa aking kama at kinapa ang aking leeg. Two bite marks... I-It's real—
Napatigil ako nang makaramdam ako ng mainit na hininga sa aking tainga.
"Did you like my unforgettable gift, love?" ani ng isang misteryosong boses.
