NORMAL

232 10 0
                                    

BOYISHLY INLOVE

***
"Raine Reyes! Sasama ka ba sa 'min sa mall mamaya?" Agad na nagsalubong ang makapal na kilay ng 'dalagang' si Raine nang marinig niya ang tinawag sa kaniya ng kaniyang kikay na pinsan.

"Anong Raine?! Sabi ko Ronie ang itawag mo sa 'kin!" inis na singhal niya rito at maangas na inayos ang kaniyang suot na sumbrero. Sa edad na bente ay nasanay na magsuot na panlalaking damit si Raine. Maikli ang buhok na tinatakpan ng kaniyang sumbrero.

Mahahaba naman ang pilikmata at mapupula ang pisngi at labi na hindi na kinakailangan ng lipstick. Maliit ngunit matangas ang ilong habang kulay tsokolate naman ang kaniyang mga mata.

Sayang. Sayang si Raine dahil mas nakasanayan niyang makisama sa mga lalaki, dahil na rin ay siya lang ang babae sa kanilang pamilya simula nang mamatay ang kaniyang ina sa sakit na cancer.

Kung sa tutuusin ang mas lalabas ang kaniyang pagiging maganda kung magsusuot siya ng pambabaeng damit. Ngunit kahit anong pilit ng kaniyang mga pinsan at kaibigan ay agad niyang inuunahan ito ng suntok at pagmumura.

"Whatever! Sumama ka na sa kasi sa amin ni Jazmine, masaya naman mag-shopping e!" pagpipilit ni Anya sa pinsan na tomboy.

Lumaki ang butas ng ilong ni 'Raine' sa narinig at ngumuso. "Anong masaya?! Napakaboring! Walang thrill! Puro bili, bili nang bili! Mas maganda pang mag-ukay-ukay!" Agad siyang hinampas ng pinsan at inirapan.

"Ang cheap mo naman! Diyan ka na nga!" sigaw nito sa kaniya at padabog na lumabas ng kanilang bahay.

Agad siyang napangisi nang umalis ang kaniyang kikay na pinsan. Masaya siyang napamura at agad na tumakbo palabas ng kanilang bahay.

Suot-suot ang oversized t-shirt at mahabang maong ay agad siyang pumunta sa kaniyang tambayan.

"Aling Nene, wassap!?" Salubong niya sa tinderang palagi niyang pinagkakautangan.

"Ano na naman, Ronie? Mahina ang businesses ko ngayon, sa iba ka nalang mangutang," mataray nitong saad habang kumakain ng paborito nitong mani.

Napangisi naman siya at inayos ang kaniyang sumbrero. "Chill ka lang, aling Nene! Tatambay lang ho ako!" sagot niya at umupo sa bangko. Nakataas ang magkabilang paa niya habang hinihintay ang kaniyang mga tropapits.

"Ronie, pare ko!" rinig niyang sigaw ng kaniyang mga tropa mula sa malayo.

Napalingon naman siya sa kabilang kalsada at makitang andoon ang mga bakla't tomboy niyang mga kaibigan.

Punong-puno ng mga piercing ang mga tainga ng kaniyang mga kaibigan at maiikli ang mga suot na damit. Makakapal ang make-up na suot at pumuputok pa ang mga labi dahil sa pagkapula.

Nakangisi siyang tumayo at nagsimulang tumawid ng kalsada. Ngunit napatigil siya sa gitna ng kalsada nang makarinig siya ng malakas na pagbusina.

Napatingin siya sa kaniyang kanan at makitang mayroong magarang kotse na ilang metro ang layo sa kaniya at mabilis ang pagtakbo.

Bumakas sa kaniyang mukha ang kaba at napako ang kaniyang paa sa sahig. Bumigat ang kaniyang paghinga at pumikit nang mariin. Rinig niya ang sigawan ng kaniyang mga kaibigan at pagtawag sa kaniyang pangalan.

"Raine!" Ilang segundo ang lumipas ay wala siyang ibang nararamdaman kundi ang panginginig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang dalawang mata at makitang isang dangkal nalang ang layo ng kotse sa kaniya.

Agad siyang napabuga nang malalim at mabilis na lumapit sa kaniya ang kaniyang mga kaibigan.

"Raine! Ayos ka lang, dai?!" Salubong sa kaniya ng kaniyang baklang kaibigan.

One shotsWhere stories live. Discover now