📓PAHINA 8- Ang tinuring na bunso.

38 6 1
                                    


     Araw ng sabado, naisama ako ng aking ina sa bahay ng aming tiyahin sa kabilang baranggay. Sa gilid ng kanilang bahay  ay may hawla ng mga kalapati, pag-aari 'yon ng aming pinsan na panganay sa magkakapatid.

     Gustong-gusto kong magkaroon ng alagang kalapati kaya sinubukan kong sabihin sa aking ina na ihingi ako ng isang pares na kalapati sa aming pinsan, ngunit ayaw n'ya.

     "Tumigil ka nga Marvin! halos Nanay Bintang mo na nga ang nag-aasikaso ng alaga mong pagong, dadagdagan mo pa!"

     Halos maiyak ako sa inis dahil 'di ko makamit ang gusto ko, habang pinagmamasdan kong muli ang mga kalapating nakadapo sa bubong ng bahay ay walang ibang laman ang isip ko.

     "Gusto ko ng kalapati at mag-aalaga din ako ng kalapati!"

     Hindi pa ako tapos mag-emote ay agaw pansin na ang paglapit sa akin ng isang batang bungal na may mga poknat sa ulo. S'ya si Jeje ang aking pinsang buo sa mother side, s'ya ang bunso sa kanilang magkakapatid.

     Sa tuwing nagpupunta kami sa kanila ay naglalaro kami ng habulan. kapag sila naman ng kanyang ina ang nagpupunta sa'min, nagkakaroon din kami ng pagkakataong makapagliwaliw sa kalsada kasama ang iba ko pang mga kalaro.

     Mabait at masunuring bata si Jeje. S'ya ay isang biyayang mula sa langit para sa kanyang ina, dahil bago pa s'ya dalhin sa sinapupunan nito ay nauna muna nilang itinuring na bunso ng pamilya ang kanilang alagang askal na si Aw-aw.

                                                                       📓📓📓

                                                                       📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon