Holiday, naisipan ng tropa'ng gumala sa megamall. Syempre mga pormahang papogi at nangangamoy sanggol dahil sa cologne at baby powder. Nag-commute kami dahil wala naman kaming mga sariling sasakyan, pagbaba namin ng jeep sa ortigas ay napansin namin si Amay na wala sa mood at tila masusuka dahil sadya s'yang mahiluhin sa biyahe.Nilapitan ko s'ya at biniro.
"Nakikita mo ba 'yang mga nagtataaasan na yan Amay? 'yan ang tinatawag na building!" wika ko,
"Anong palagay mo sa'kin, 'di nakakarating ng siyudad?! e ilang beses na akong nakarating sa mandaluyong kapag pinupuntahan ko si nanay sa bahay ng amo n'ya!" pagbibida ni Amay.
"'Yan ang hirap sa'yo Amay e, masyado kang defensive!" Ani Rabby,
"Tara na, pasok na tayo!" pasigaw na pag-aaya ni Jonjon.Nilibot namin ang loob ng mall, nag-videoke at masayang naglaro sa timezone at quantum.
Nang magutom ay naisipan naming kumain sa Jollibee.
Habang nakapila...
"Marvin, ipaliwanag mo din sa kanila ang kaibahan ng dine-in at takeout!" pabirong banat ni Jokno.
"Okay! kapag sinabing dine-in, dito natin sa loob kakainin. Kapag take-out naman, babalutin nila 'yan sa plastic at kakainin natin sa bangka." Pabiro kong paliwanag habang nagtatawanan kami sa pila.Lahat kami'y pumila at nag-order at lahat din ay tinanong ng crew,
"For dine-in or for takeout?"Lahat ay sumagot ng matapang at maangas na "DINE-IN!"
Matapos umorder ay ganadong nagkainan habang wala paring puknat sa kwenuhan. Nang makakain ay nagpahinga lamang ng konti at larga na naman sa gala.Lumabas kami ng mall at naglakad-lakad. Pumasok kami sa isang store na may karatulang 30% off at nakita namin ang mga nakahanger at nakahanay na sweater, parepareho ito ng style pero magkakaiba ng kulay. Lahat kami ay naakit na bumili kaya lahat ay mabilis na nagdamputan.
Dadamputin ko na sana ang nag-iisang color white pero naunahan ako ni Lounar. Hindi ako mapakali dahil gustong-gusto ko talaga 'yung color white na hawak n'ya kaya nagtanong ako sa sales lady kung meron paba silang stocks ng ganoong kulay pero out of stock na raw.
"Ganda ng kulay nito!" Ani Lounar habang tinititigan ang hawak n'yang puting sweater.
May naisip akong paraan para mapasaakin 'yon, dinampot ko ang isang gray na sweater, malapit sa harapan ni Lounar.
"Heto ang magandang kulay, gray!" parinig ko kay Lounar,
"Masmaganda 'tong nakuha ko Marvin kasi puting-puti at masmalinis tingnan!" tugon ni Lounar,
"Maganda nga pero libagin naman, madikitan lang 'yan ng konting dumi ay halata kaagad!" paliwanag ko.Nagdalawang-isip si Lounar dahil sa aking sinabi, samantalang nakikinig lang ang mga katropa sa aming giitan.
"Oo nga 'no? tama ka nga, sige ibang kulay na lang din ang bibilhin ko." Wika ni Lounar.Napangiti ako sa kanyang sagot, naisabit n'ya muli ang puting sweater sa kanyang pinagkuhanan at dumampot din ng kulay gray.
"'Yan! ganyan ang magandang kulay!" sabi ko kay Lounar,
"Tara na magbayad na tayo sa cashier, nakapila na sila." Pag-aaya ni Lounar.Nagpunta na kami sa cashier, pumila kami at isa-isang nagbayad. Naunang nagbayad sa akin si Lounar dahil nasa hulihan ako ng pila. Ilang sandali pa lamang ay...
"Bayad po." Sabi ko sa cashier.
Nagulat na lang si Lounar ng makita n'yang kulay puting sweater ang naiabot ko sa cashier.
"Pambihira ka! kaya pala gusto mong ibalik ko 'yan dahil ikaw ang interesadong bumili!" wika ni Lounar sa akin.
"Ewan ko ba sa'yo, ang ganda-ganda ng puti at malinis tingnan kung ba't pinagpalit mo sa ibang kulay?" tugon ko habang tawa nang tawa ang tropa.
Matapos ang maghapong paggagala ay naisipan na naming umuwi. Pumunta na kami sa pilahan sa sakayan ng mga pampasaherong jeep. Samantala, Napansin naman nila Rabby at Jeje na tila nahihilo parin si Amay dulot ng biyahe.Umupo at tumungo si Amay sa isang sulok malapit sa pilahan.
"Papauwi na tayo nahihilo ka parin?!" tanong ni jeje,
"E sa nahihilo e, para akong masusuka!" ani Amay,
"Diba nagsuka kana sa CR ng mall?" sabat ko,
"Hoy! wag kang basta susuka dito nakakahiya, may dala kabang plastik?!" sabi naman ni Rabby,
"Wala!" sagot ni Amay,
"Hahaha! pigilin mo nalang ang suka mo!" ani Lounar.Habang nasa pila ay napalingon ako sa mga stores ng milktea, fruit juices at shake.
"Sandali lang bibili lang ako ng shake at natatakam ako."
Bumili ako ng shake na chocolate flavor at bumalik din kaagad sa aming pila, halos kalahating cup kaagad ang naubos ko. Nakita ko si Amay na nakaupo parin sa sulok at nakatungo kaya nilapitan ko ito."O Amay, magshake ka muna!"
Kinuha ni Amay ang naiabot kong shake, tinanggal n'ya ang takip at sinilip ang laman at nagsabing..."E Marvin, Chocolate flavor ba 'to?? Uwwaakkk!!!" wika ni Amay sabay suka sa hawak nitong shake.
"Anong ginawa mo Amay?! 'yung shake, naging lugaw!" wika ko habang pinagmamasdan ng tropa si Amay na sumusuka.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...