Sa silid-aralan. Habang hinihintay namin ang next subject ay nagsalita ang isa naming classmate na babae."Nasa meeting pa si Ma'am Panalo kaya baka ma late s'ya ng pasok, pakilagay na lang daw ang mga diary sa kanyang table!"
Mula sa aking kinauupuan ay pinagmasdan ko ang mga diary na magkakapatong sa ibabaw ng mesa. Ito na ang huling pasahan dahil final grading na, simula noong masermonan ako ng guro dahil sa diary ay sinikap kong gawin kahit paano ang mga pinapagawa nitong assignments, projects, activities, etc. pero lagi parin akong sablay pagdating sa diary.
Hindi ko talaga trip isulat ang mga kaganapan sa buhay ko kaya bukod sa pulang tsek na minamarka ng aming guro sa aking diary kapag friday ay 'di rin nawawala ang pulang sulat na "incomplete".
Sa pagkakataong ito ay abala ang aking mga kaklase sa maiingay na kwentuhan, kulitan at asaran kaya 'di nila napansin na binuklat ko ang ilan sa mga diary. Napansin ko na halos parepareho lang ang mga pambungad nito, laging nagsisimula sa "paggising ko sa umaga, bla-bla-bla-bla!"
Minsan tuloy naisip ko, "Next time na gagawa ako ng diary, ano kaya kung simulan ko sa gabi para maiba naman!"
Wala pang curriculum na K to 12 noon, kaya kapag 4th year level kana at sumapit ang kalagitnaan ng buwan nang marso ay ramdam na ang simoy ng graduation. Panay na ang practice ng mga estudyante sa pag-awit ng graduation song, maging ang pagmamartsa paakyat at pagbaba ng entablado.
Hanggang sa sumapit na nga ang araw ng pagtatapos at pinatugtog na ang famous music na...
"TANANANTANAN-TATATANTANTAN-TANANTANAN-TATATANTANTAN!..."
(Napakanta kaba?)Makikita mo ang ilan sa mga estudyante na nagbabatian ng congratulations habang kapansin-pansin na teary eye sila. Magkahalong emosyon ang aking naramdaman, ang lungkot at saya. Malungkot dahil maraming masayang alaalang maiiwan sa aming eskwelahan at masaya dahil ito'y isang event na nagpapatunay sa aming nakamit na tagumpay.
Masaya din ang ibang tropa dahil pare-pareho kami ng mga natanggap na regalo, walang iba kundi ang brief na hanford.
Sa size lang nagkaiba-iba.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...