Habang sa oras ng aming klase,
"Class, required kayong lahat sa subject ko na gumawa ng diary na may cover na white color. Ipapasa n'yo ito sa akin every friday para ma-monitor ko kung sino ang nagsusulat o hindi ng kanyang talaarawan!" wika ni Ma'am Panalo.Dumating ang araw ng biyernes.
Pumasok sa silid-aralan ang aming guro at nagsabing,
"Class, pakipasa na dito sa unahan ang inyong mga diary, ngayon din!"Halos nagtakbuhan ang aking mga kaklase papuntang unahan at naipatong ang kanilang mga diary sa mesa ng aming guro.
Samantala, nataranta naman kami ni Rabby at Eruel dahil walang kasulat-sulat ang mga diary namin para sa buong isang linggo. Habang abala ang aming guro sa pag
t-tsek ng mga diary ay napapalibutan s'ya ng mga nagkakaingay na estudyante.May naisip ako kaya nagmadali akong sulatan ang aking diary, nahalata naman ni Rabby at Eruel ang ginagawa ko kaya kaagad silang gumaya sa'kin. Sa sandaling oras ay natapos din namin ang aming diary na pang-isang linggo. 'Yun nga lang, puro lyrics ng mga kabisado naming kanta ang naisulat namin dito. Tumayo kami at naipasa ito sa aming guro.
Okay na sana dahil kada buklat ng aming guro dito ay tsek lang ito nang tsek dahil may kalabuan ang paningin nito. Kaso, may isang estudyante ang nakapansin sa aming diary.
"Ma'am tingnan n'yo po ang mga diary nila, puro lyrics ng kanta ang mga nakasulat!" sumbong ng classmate naming bakla.
Binasa ng guro ang mga nakasulat sa aming diary at nagalit ito,
"Bakit puro lyrics ang mga nakasulat dito?!"Binuklat n'ya ulit ang isang pahina ng aking diary at malakas na binasa.
"Dear Diary,
Sana maulit muli ang mga oras nating nakaraan,
bakit nagkaganito? naglaho naba ang pag-ibig mo?
sana maulit muli, sana bigyan ng pansin ang himig ko,
kahapon, bukas, ngayon, tanging wala ng ibang mahal.
Kung kaya kong iwanan ka 'di na sana aasa pa,
kung kaya kong umiwas na 'di na sana lalapit pa,
kung kaya ko sana......................................................
..............................Nagmamahal,
Marvin"Buking na kami kaya hindi na nakapagpaliwanag pa,
"Ang pinapagawa ko sa inyo ay diary, hindi songhits!" wika ni Ma'am Panalo.📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...