Tunay nga na kaybilis lumipas ng panahon. Nagtrabaho ako sa Ospital bilang nurse, pagkatapos ay sumubok ng trabaho na malayo sa aking propesyon at nang mag-end of contract ay nabakante. Nag-isip ako kung anong negosyo ang aakma sa kakayahan ko at umatend ng ilang seminars. Sumagi rin minsan sa isip ko na kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon na makapasok sa Bible school ay baka sakaling i-grab ko 'yun, upang masmarami pa akong matutunan at maunawaan sa espiritwal na bagay. Gayunpaman, idinadalangin ko ang lahat ng plano sa Panginoon dahil masmaganda kung ang desisyon ay 'di lamang bunga ng emosyon.Dumako naman tayo sa aking mga katropa.
Parehong naging seaman sila Rabby at Eruel,
Parehong naging auto mechanic sila Lounar at Jokno sa magkaibang bansa,
At parehong naging field representative ng isang motorcycle company sila Amay at Lester.
Technical architecture delivery analyst na si Jeje, civil engineer na si Relie, at Radiologic technologist naman si Jonjon.
Computer technician na si Ali samantalang administrative supervisor naman sa isang construction site ang dating bulol na si Bagyo.Ikinasal narin ang ilan sa mga katropa tulad nila Rabby, Eruel, Amay, Jeje, Relie at Jonjon. Syempre kung 'di ako abay, wedding singer ang papel ko.
Nabanggit nga nila sa'kin dati na kapag dumating na ang kapanapanabik na araw ng kanilang kasal, 'yung pinaka-romantic daw na lyrics ang kantahin ko para lalo silang kiligin.
"Pitong gatang ni Fred Panopio nalang kaya ang kantahin ko?" wika ko.
"AYAWWW!" todo tanggi ng tropa.
Isang araw, habang nagkakape kami sa likod-bahay nila Amay.
"Gupitan mo nga 'ko ng buhok Amay!" ani Jeje,
"Sige maupo ka muna d'yan at kukunin ko muna ang gunting sa loob ng bahay." Sagot ni Amay na nagmana sa kanyang lolong barbero ng dunong sa paggugupit.Habang ginugupitan ni Amay si Jeje ay pinagmamasdan naman namin ang mga bagong alagang bibe ni Amay na nakalimlim sa mga itlog nito sa puyahan.
"Hoy! Amay, baka pagsimulan na naman ng away n'yong mag-ama ang bibe na 'to ha, tandaan mo na masmahalaga ang 'yong sariling ama kaysa bibe!" biro ko,
"Sira ulo!" sambit ni Amay,
"Pinapaalalahanan ka lang ni Marvin dahil masminahal mo ang bibe mo noon kaysa tatay mo!" sawsaw ni Jokno.
"Maiba tayo, lahat kayo ay ninong sa binyag ng anak ko kaya wag na wag kayong mawawala ha." Paanyaya ni Amay,
"E pano kung 'di makauwi 'yung iba lalo na 'yung busy at sa malayo pa nagwo-work!" Ani Jonjon,
"Walang problema, basta sa mga 'di makakarating ay ipadala n'yo nalang ang mga pakimkim para sa inaanak n'yo." Tugon ni Amay habang nakangiting unggoy.Araw ng binyag. Mga nakaporma ang tropa. Nangangamoy pabango at namumuti ang mga mukha sa pulbos. Habang hinihintay namin ang pari sa loob ng simbahan, nakatayo kami sa unahan at masayang nag-uusap.
Mula sa aming likuran ay dumating ang pari at nagtanong,
"Sino sa inyo ang ama ng bibinyagan?""S'ya po!" tugon ng tropa sabay turo kay Amay.
"Simulan na natin ang binyag." Mahinahong wika ng pari.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...