📓PAHINA 37- Ang hamon sa mesa.

14 1 0
                                    


     Makalipas ang halos dalawang linggo, mukhang epektibo ang hagod ni Mr. Kaha. Mabuti na lamang dahil bagamat may konting kirot parin ay mas naging maayos na ang kondisyon nito kesa dati, nailalakad ko na kahit paano.

     Habang nakaupo ako at umiinom ng tsaa sa terrace ay naalala ko bigla ang diary na pinapagawa ni Professor Sampaguita, naalala ko din na may mga dapat pa pala akong asikasuhin para sa ibang subjects. Pinagtuunan ko ng panahon ang ibang dapat gawin pero higit kong  nabigyan ng pansin ang para sa mga major subjects kaya naichapwera na naman ang diary.

     Ilang oras na lang ay noche buena na.

     Nakatambay ang tropa sa harapan ng tindahan. Nakatayo kami bandang kaliwa at nakaupo naman sa may bandang kanan sila Jokno at Lounar. Nagtalo ang dalawa tungkol sa love songs and artists.
     "Ni hindi mo nga kilala kung sinong kumanta ng all my life e!" Ani Lounar,
     "Ako pa ang tatalunin mo pagdating sa mga kanta at singers!" giit ni Jokno,
     "O'sige sino nga?!"
     "Sila King and Jojo!" mabilis at seryosong sagot ni Jokno,
     "Anong King and Jojo??? baka KC and Jojo!!!" pagtatama ni Lounar.

     Napaisip si Jokno at narealize na tama si Lounar, sabay humagalpak ng kakatawa ang dalawa.
     
     Sa pagsasalita naman ng Ingles nagtalo ang dalawa, 'di namin sila pinakealaman dahil nakikinig din ang ibang tropa sa aking kwento. Gayunpaman ay 'di talaga maiwasang marinig ang giitan ng dalawa dahil sa lakas ng kanilang boses.
     "Don't speak tagalog!" Ingles na banat ni Jokno,
     "Hahaha! Okay let's english!" Ani Lounar.

     Habang patuloy sa walang kabuluhang inglesan ang dalawa ay dumampi sa aming balat ang malakas at malamig na simoy ng hangin.

     "WSSSHHHEEEWWW!!!....."

     Gininaw si Jokno, ikiniskis ang mga palad sa magkabilang braso at nag-ingles.
     "Wouhh! it's a cool!"

     Sumapit ang noche buena.

     "Umuwi muna tayo sa kani-kanyang bahay at mag-celebrate kasama ang pamilya." Wika ko habang nakatingin ako sa aking relo.
     "Magkita-kita na lang tayo mamaya sa terrace nila Marvin pagkatapos ng noche buena!" paalala ni Rabby sa tropa.

     Ganoon nga ang nangyari, nag-uwian ang tropa at nagdiwang ng Noche buena kasama ang pamilya.

     Nang matapos ang masayang pagdiriwang ay naiwan ako mag-isa sa aming kusina. Kinuha ko sa refregirator ang hamon at naipatong sa mesa, balak ko kasi itong iprito para sa tropa. Hanggang narinig ko kaagad ang tinig ng isang paparating.
     "Marvin, dumating naba sila?!" tanong ni Relie habang naglalakad sa sala papunta sa kusina.
     "Wala pa, mamaya susulpot na ang mga 'yun!" tugon ko habang hinuhugasan ang isang poncan sa lababo.

     Nakita ni Relie sa mesa ang hilaw na hamon na may maninipis na gayat.

     "Ano 'to ah?? parang hilaw!" puna ni Relie.

     Natawa ako sa sinabi nito kaya sumagot ako ng pabiro,
     "Hamon na pa-steam ang luto, kaya mukhang hilaw! hehehe!" tugon ko habang ang mga ubas naman ang hinugugasan ko sa lababo.

     Babawiin ko na sana kaagad ang biro kay Relie kaya lumingon kaagad sa kanya pero huli na ang lahat, nilalantakan na nito ang hilaw na hamon.

     "Hoy! hilaw pa 'yan!" sigaw ko.

     Napatigil ng pagnguya si Relie at napatingin sa'kin,
     "Hayaan mo na, masarap din pala kahit hilaw." Palusot ni Relie sabay inom ng isang basong tubig.

     Ilang sandali pa lamang ay nagdatingan narin ang mga katropa, napatingin din si Amay sa hilaw na hamon at nagwika ng...

     "Ano 'to?? ba't parang hilaw???"
                                                                  📓📓📓

     "Ano 'to?? ba't parang hilaw???"                                                                  📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon