📓PAHINA 21- TSAKK!

14 4 0
                                    


     Naisipan namin ni Rabby na magpahatid papuntang calamba laguna na kung saan naroon ang aking tiyuhin na kilala sa kanilang lugar bilang tagabinyag (tuli) ng mga batang magbibinata.

     Nakita namin ang ilang kabataan na pumila sa kanilang terrace para magpatuli. Iba-iba ang mga reaksyon ng mga ito, bago at matapos binyagan. May duwag, may matapang at may nagtatapang-tapangan.
     "Pagkatapos nila, tayo naman ang magpabinyag!" sabi ni Rabby.
     "Sige, nakahanda na ang dahon ng bayabas ko!" tugon ko.

     Nang kami nalang ni Rabby ang hindi pa nabibinyagan ay nagtanong ang aking tiyuhin.
     "Sino sa inyo ang gustong mauna?"
     "Ako muna po!" Mabilis na sagot ko.
     "Sige, maupo ka at nguyain mo na ang dahon ng bayabas."

     Habang nginunguya ko ang dahon ng bayabas ay nasa likuran ko naman ang aking nakakatandang pinsan na lalaki na s'yang tumatayo bilang assistant ng aking tiyuhin. Nailabas na ni tiyo ang kanyang gunting na gagamitin. Napansin ko na masmalaki ito kaysa naunang gunting na ginamit n'ya sa iba. Kaya pala, gunting ito ng tela ng mga mananahi. Tinanong ko s'ya kung bakit 'yun ang kanyang gagamitin sa amin.

     "Kapag kasi masmatalas ang gunting ay masmagandang gamitin." Sagot ni tiyo.

     Pinatingala ako ni tiyo, hinawakan ako ng aking pinsan sa balikat. Bumilis ang tibok ng puso ko.
     "Wag kang malikot, heto na!" wika ni tiyo.
     "TSAKK!" tunog ng gunting na may ginupit.
     "ARRAAYY KO PO!!" sigaw ko.

     Halos gusto kong bumago sa kinauupuan ko dahil sa sakit ngunit hindi ako makakilos dahil sa higpit ng pagkakahawak ng pinsan ko sa aking balikat.

     "Iluwa mo na dito ang dahon ng bayabas!" utos ni tiyo.

     Natapos na'ko. Si Rabby naman ngayon ang nakasalang, hindi pa nagsisimula ay namumutla na s'ya. Katulad ng pinagawa sa akin ni tiyo ay pinanguya n'ya si Rabby ng dahon ng bayabas at pinatingala habang nakahawak sa kanyang balikat ang aking pinsan.
     "Wag malikot, heto na!" sabi ni tiyo.
     "TSAKK!" tunog muli ng gunting na may ginupit.
     "ARRAAYY!! HIHIMATAYIN AKO!" sigaw ni Rabby.

     Napansin ni tiyo ang pamumutla ni Rabby kaya sinampal n'ya ito.
     "PAK!"
     "Aray! bakit n'yo po ako sinampal?!" tanong ni Rabby,
     "Para ka kasing mawawalan ng malay!" sagot ni tiyo.

     Natapos na ang binyagan. Doon namin napagtanto ni Rabby na kasama kami sa mga kabataan na nagtatapang-tapangan. Nang makauwi na kami sa amin ay pareho kaming naka-short na maluwang ang pundiya, nakita namin ang ilan sa mga tropa na tulad namin ay katatapos lang din magpabinyag. Nagpakitaan kami ng itsura nito.

     "BAKIT NANGANGAMATIS KAAGAD 'YAN??"

                                                                📓📓📓

                                                                📓📓📓

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
DIARY NG TROPANG PROBINSYANOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon