Sa edad naming 'yun ay patuloy parin kami sa paglalaro ng tagu-taguan kapag gabi, 'yun ang naging daan kung bakit may nadagdag na naman na miyembro ang tropa. Si Relie na may pagkabalat-sibuyas ang damdamin at si Lester na may pagkatamad maligo.Nabuo ang labindalawang (12) miyembro ng tropa. Sila Marvin, Bagyo, Rabby, Eruel, Lounar, Amay, Ali, Jeje, Jonjon, Jokno, Relie at Lester.
Magkakaiba kami ng year level at section pero iisang paaralan, maliban lamang kay Ali dahil pinagtransfer ito ng kanyang ina sa Batangas na kung saan ay noroon ang ilan sa kanilang mga kamag-anak. Gayunpaman, nakakauwi parin s'ya paminsan-minsan sa aming lugar at nagkakaroon ng pagkakataon na makasama namin.
Kapag lunchtime sa school, kadalasan ay makikita mo ang ilan sa mga ina ng estudyante na pumapasok sa loob ng campus para iabot sa kani-kanilang mga anak ang lunchbox. 'Yun nga lang, kapag lalaking estudyante ang dinadalhan ng kanilang ina ay 'di maiwasan ang makantsawan ng mga kaklase.
Napansin ng ilan na paparating ang ina ni Rabby, bitbit ang isang lunchbox.
"Rabby, magpalagay ka ng panyo sa likod at baka basang-basa kana ng pawis! hahaha!" pangangantsaw ng aming mga kaklaseng lalaki.Ilang sandali pa lamang ay ang ina naman ni Eruel ang dumarating.
"Eruel, hubarin mo na ang damit mo at pupulbusan kana ng nanay mo! hahaha!"Pagsilip namin sa bintana ay nakita rin namin sa campus ang mga paparating na ina ng tropa, bitbit ang lunchbox ng kani-kanilang mga anak. Napansin nila Rabby at Eruel na nakangiti ako.
"Nakangiting pang-asar na naman ah!" puna ni Rabby sa'kin,
"Sige lang, kakantsawan ka rin namin pagdating ng nanay mo!" sabat ni Eruel.
"'Yan ang hirap sa inyo e, kung ayaw n'yong matuksong mama's boy, gayahin n'yo ako. Sa umaga palang nagpre-prepare na'ko ng pagkain at dinadala ko na pagpasok!" paliwanag ko.Isang hapon. Malapit na ang litera nang bumuhos ang malakas na ulan, lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa labas at pinapanood ang pagpatak nito. Nakita ko si Rabby at Eruel na nakangiting pang-asar sa'kin.
"Marvin, nand'yan ang nanay mo!" sigaw ng kaklase kong babae.
Nakita ko ang aking ina na nakatayo sa labas ng pinto, nakangiti at bitbit ang isang malaking payong at isang pares ng sapatos na bota. At siya'y nagwika,
"Tara na at umuwi, isuot mo na itong bota at sukob na tayo sa payong!"Iba talaga magmahal ang mga ina, saludo!
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...