May couple na nakiusap para ako'y kumanta sa araw ng kanilang kasal. Hindi ko akalain na 'yun pala ang magiging simula para ako'y maging isang ganap na wedding singer.Maraming beses kong nasaksihan ang mga ngiti ng babaeng kinakasal habang dahan-dahang lumalakad sa dambana, kasabay ng aking awitin.
Sa ganitong event din ako madalas makakita ng lalaking umiiyak dahil sa galak. Sa tuwing ako'y umaawit, napapatanong ang aking isip.
"Ano kaya ang saktong pakiramdam ng kinakasal?"
Noong panahon na ako'y malungkot, nakatayo ako sa harapan ng refrigerator sa boarding house, umiinom ako ng isang basong tubig nang mapatingin ako sa aking wrist watch.
11:00am. Naligo ako at nagbihis, naisipan kong maglakad-lakad sa loob ng isang mall sa manila. Nakita ko ang isang bakanteng upuan, marahan akong umupo at sumandal dito.
"Nakaka-stress naman ang week na 'to" bulong ko sa sarili habang naririnig ko sa paligid ang jingle song ng mall.
Lumingon ako sa bandang kaliwa. Nakita ko ang isang clinic, clear glass ang harapan nito kaya tumagos ang aking paningin hanggang sa loob. Nakita ko ang isang empleyadong babae na nakasuot ng all white.
"Ang ganda naman n'ya, kaso imposibleng walang boyfriend ang ganyang kagandang babae." Linya sa aking isipan habang nakatitig sa kanya.
Nahuli n'ya akong nakatingin kaya kaagad kong naibaling ang atensyon sa aking cellphone.
Sa ikalawang pagkakataon ay lumingon ulit ako sa kanya, nakatayo s'ya at inaayos ang ilang mga gamit sa mesa. Habang pinagmamasdan ko s'ya ay napatingin na naman s'ya sa'kin, muli kong naibaling ang aking atensyon sa hawak kong cellphone.
Makalipas ang ilang sandali. Sa ikatlong pagkakataon ay lumingon akong muli ng dahan-dahan sa kanya, nagulat ako dahil nakatingin na pala s'ya sa'kin. Medyo kinabahan ako nang magkasalubong ang aming paningin dahil sa pag-aakalang magagalit s'ya, pero kabaliktaran ang nangyari, nauna s'yang tumawa kaya tumawa narin ako.
Nakuha ko ang kanyang contact number, sa tulong ng isang matabang babae na empleyado sa isang boutique malapit sa clinic. Nai-text ko s'ya pero umabot pa ng mahigit isang oras bago makamit ang napaka-iksi n'yang respone.
Nagtext muli ako sa kanya. Lumipas na ang isa, dalawa, tatlo, at ilan pang mga oras pero wala na akong natanggap na response mula sa kanya.
Kinagabihan, mga bandang Alas-9, tsaka pa lamang s'ya nakapag-reply. Nag-start ang conversation sa tanungan ng mga personal information pero medyo mailap parin s'ya sumagot. Hindi s'ya mahirap patawanin kapag nagbibitaw ako ng jokes, mukhang na-enjoy n'ya ang company ko kaya nasundan pa ang aming kwentuhan ng maraming beses, 'di lamang nang gabing 'yun kundi pati narin nang mga sumunod na araw.
Tulad ko, Nalaman kong single din s'ya, nalaman ko din na ahead s'ya sa'kin ng isang taon sa edad. Hindi na mapuknat ang aming pag-uusap thru call and text hanggang sa napadalas narin ang aming pagkikita.
Habang tumatagal ay lalo naming nakikilala ng lubos ang isa't isa, nabuo ang pagkakaibigan hanggang sa nauwi sa pag-iibigan.
Valentine's day. Pumunta ako sa isang flower shop sa Dimasalang Street, Sampaloc Manila. Bumili ako ng bunch of fresh roses para sa kanya. Nagpunta ako sa LRT, Tayuman Station at hinintay ang pagdating ng train. Nang makasakay na'ko ay napansin kong nakatingin sa'kin ang ibang mga pasahero at nakangiti habang bitbit ko ang roses.
Para akong nakaramdam ng hiya.
"Siguro korni 'tong ginagawa ko kaya sila nakangiti?" bulong ng aking paranoid na isip.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating din ako sa station na bababaan ko, kaagad akong naglakad patungo sa kanyang apartment. Kumatok ako ng pinto, at nang buksan n'ya...
"Happy Valentines!" bungad ko sabay abot ng roses,
"Wow!..." sambit n'ya sabay kiss.Abot tenga ang kanyang ngiti, lumabas narin kami ng bahay at masayang nagtungo sa MOA para maglakad-lakad at kumain.
Naging open relationship kami, both sides sa family and friends. Hanga din ako pagdating sa maganda n'yang pakikisama sa aking mga mahal sa buhay. Madalas n'yang bukam-bibig ang tungkol sa kanyang dream wedding, gusto raw kasi n'yang ako ang kanyang groom at the same time ako din ang wedding singer. Masaya s'ya kapag ito ang napag-uusapan.
Pero sabi nga, hindi lang sa puro masasaya at matatamis na senaryo umiikot ang isang relasyon. Tulad ng ibang couples, naranasan din namin ang away-bati, tampuhan, cool off, break up tapos balikan. Kung sino ang may pagkakamali ay parehong nagpapakumbaba, nagpapasensyahan, nagpapatawaran.
Hanggang sa dumating ang time na nagkaroon ako ng pagkukulang, hindi ko na nabibigay sa kanya ang quality time na gusto n'ya gaya ng dati at mas napagtuunan ko ng pansin ang aking trabaho. Nagkaroon din kami ng malawak na sagutan tungkol sa iba't ibang topic. Tila naglaho ang pagpapakumbaba, hanggang sa naputol ng medyo matagal ang communication sa isa't isa.
Isang gabi, tinawagan ko s'ya upang humingi ng paumanhin, at upang siya'y suyuin. Apat na beses na akong tumatawag pero 'di pa rin s'ya sumasagot. Sa ikalimang beses na tawag ko ay patuloy lang sa pag-riring ang kanyang cellphone, naisip kong baka natutulog na ito kaya nagdesisyon akong bukas na lang s'ya tawagan ulit, pero bigla narin n'yang sinagot ang cellphone.
Habang pinapakinggan ko ang boses n'ya. Nandoon parin ang kanyang hinanakit, pero nauwi din sa pagpapatawad. Nandoon ang palitan ng sama ng loob, pero nauwi sa pagpapasensyahan na may kasamang iyakan. Nandoon ang pagpapasalamat sa isa't isa, pero kailangan ng magpaalam. Dahil sa mga oras na 'yun, kahit hindi sapat ang aking mga narinig ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan na may ibang lalaki na s'yang mahal at pinaglalaban.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...