Kung love life ng tropa ang pag-uusapan, marami tayong kwento d'yan. Pero hinay-hinay lang.Noong na-broken ang puso ni Relie dahil sa isang babaeng longhair ay halos kasabayan din n'yang na-broken si Jonjon sa isang babaeng madalas n'yang kasamang kumain sa isang fastfood malapit sa UST. Kahit sila'y ngumingiti ay bakas parin sa kanilang mukha ang pagdadalamhati.
Naisipan naming tatlo na gumala sa Manila Zoo, nang matapos naming pagmasdan ang elepante ay lumakad muli kami. Medyo nauuna sila sa'kin, ilang hakbang pa lamang kami ay nilapitan na kaagad sila Relie at Jonjon ng isang bakla.
"Mga pogi! pwede bang magpa-picture na kasama kayo? ang ganda kasi ng view dito." Pakiusap ng estrangherong bakla na may hawak na camera.
Nagkatinginan sila Relie at Jonjon na parang nagdadalawang isip kung papayag ba sila o hindi, hanggang sa pumayag narin ang dalawa. Pumwesto sila sa view na kita ang hippopotamus, kinuha ko ang camera at pinicturan sila Relie at Jonjon na nakatayo habang pinapagitnaan ng isang bakla. Lumipat naman sila sa ibang view at ako ang nagsilbing camera man nila.
Matapos ang picture taking ay iniwan na namin ang bakla. Habang pinagmamasdan namin ang iba't ibang uri ng magagandang ibon ay pareho silang nag-open ng mga pinagdadaanan, hanggang sa napalingon kami sa bandang kaliwa.
"Tingnan n'yo, ang daming unggoy!" sigaw ko habang itinuturo ang mga unggoy na nakalambitin sa puno.
Speaking of unggoy, dumako naman tayo kay Amay na minsa'y naging curious sa theory of evolution. Pero 'di 'yun ang pag-uusapan natin kundi ang kanyang love life.
Habang nakaupo ako sa harapan ng malaking bahay at nagpuputol ng kuko sa paa...
"Psst! psst!" sitsit ni Amay na tila lalong umiitim at dumarami ang tagihawat sa mukha, mula sa bandang likuran ko ay papalapit s'ya.
"Ano na naman ang problema mo?" tanong ko kay Amay na kekerong-kerong ang ulo na parang pasan ang mundo.Umupo s'ya sa tabi ko at nagsabing,
"Tsk! tsk!, Marvin, ibe-break ko na!" problemadong wika nito habang ipinapakita n'ya sa'kin ang isang picture na nakaakbay s'ya sa isang dalaga.
"Pambihira ka, akala ko kung anong problema mo, pogi problem pala!" tugon ko,
"May isa pa nga akong problema e, umiyak 'yung ina nong isang majorette dahil nalaman na hindi kami nagkatuluyan ng kanyang anak." Dagdag ni Amay.
Hindi ko alam kung maaawa ba ako ka'y Amay o maiinis sa kahanginan, kaya hindi ko na s'ya pinansin.
"Ano kaya ang dapat kong gawin Marvin?" tanong n'ya,
"Magbigti!" pabirong sambit ko.Isang hapon, nakita ko si Lester na abala sa harapan ng kanilang mesa, iginuguhit n'ya ang litrato ng kanyang kasintahan, balak daw n'ya kasing iregalo ito.
"Ganda n'yan ah!" puna ko,
"Mali pa nga ako ng konti e, pangit lang ng pambura ko kasi madumi gamitin." Tugon ni Lester,
"Okay na yan at maghihiwalay din naman kayo." biro ko,
"Ikot!" sambit n'ya habang patuloy sa pagguhit.Nang naglaon. Ang matamis nilang pag-iibigan ay nauwi nga sa mapait na hiwalayan.
Hindi ko sigurado kung parehong nagmahal si Lounar at Ali sa magkaibang oras pero sa iisang babae, pero kapansinpansin sa kanila ang desire na makita at makasama nila ang babaeng 'yon. Gayunpaman, hindi naman ito nakaapekto sa pagkakaibigan ng dalawa. Ang ending, sa ibang lalaki din nakasal ang babae.
May mga natipuhang babae din sila Jeje at Jokno, pero hindi nila nakamit ang matamis na OO ng mga 'yun. Dahil noong panahon na 'yun, kahit binata na sila ay kulang parin sa lakas ng loob.
Marinig pa lamang ni Jeje na paparating ang babaeng nagpapatibok ng kanyang puso ay nanginginig na ang kanyang mga labi sa kaba at hindi mailingon ang ulo na parang nasementohan ang leeg.
Ibang klase naman manligaw si Jokno, malakas ang loob kapag naglalakad papunta sa baranggay na kinaroroonan ng kanyang napupusuan. Uupo s'ya sa harapan ng tindahanan na katapat bahay ng babae. Mula sa bahay ay dudungaw ng bintana ang babae at sila'y magkakatanawan, mauubos ang kanilang oras ng hindi nagkakausap, basta puro tanaw lamang hanggang sa matapos ang gabi.
Nakita ko kung pano naging abala si Eruel sa pag-aayos ng dekorasyon sa arkong gagamitin ng kanyang kasintahan para sa sagala. Nakita ko rin si Rabby kung paano naging taas noo sa publiko kapag h.h.w.w (holding hands while walking) sila ng kanyang mestisang kasintahan na may puntong "Alaey!"
Nakita ko ang mga ngiti sa kanilang labi at sparks sa kanilang mga mata, maging ang mga galawang ubod ng tamis na parang pulot pukyutan. Ngunit minsan, pagkahaba-haba man daw ng prusisyon ay sa hiwalayan din ang tuloy.
Nakita ko si Eruel kung paano magsalita habang teary eye s'ya, na parang isang batikan na aktor sa MMK. Nakita ko rin si Rabby na umiiyak at nagpupunas ng uhog habang nagsasarado ng gate sa apartment na tinigilan nila sa cainta.
Dumako naman tayo sa pinakatorpeng si Bagyo. 0% lovelife. (period).
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...