Fiesta sa baranggay. Nag-uwian ng probinsya ang mga katropa. Kumpleto at sama-sama kami sa terrace nila Eruel.
"Tara inuman na!" sigaw ni Rabby habang hawak ang kalahating baso ng alak,
"O'alam n'yo na ha, tagakanta lang ako sa videoke." Tugon ko,
"Oo, alam naming 'di ka umiinom ng alak, kaya may naihanda kami para sa'yo!" ani Rabby,
"Ano???"
"Ayos naba sa'yo to Marvin?!" sabat ni Eruel na paparating galing sa kusina, bitbit ang isang malaking pitsel na puno ng malamig na gatas.
"WAHAHAHA!" halakhak ng tropa.Nang panahon na 'to, madalas nang bumuntot sa tropa ang isang lalaking ubod din ng kulit at lakas ng pang-asar. Kung saan kami naroroon ay bigla-bigla nalang itong sumusulpot. Ayaw n'yang humiwalay sa tropa. S'ya si Kiko, ang taga-select ko ng number sa videoke.
"Mukha akong artista!" pagyayabang ni Kiko,
"Ano??? sa laki ng mata mong 'yan??? artista??!" sarcastic na tanong ni Relie,
"Oo, at habang tumatagal ay pabata nang pabata ang itsura ko!" dagdag ni Kiko,
"Tama si Kiko, habang tumatagal ay pabata nang pabata ang kanyang itsura, kaya tingnan n'yo s'ya ngayon, mukhang fetus." Banat ko.Masaya kaming nagkwentuhan habang umiinom sila ng alak samantalang ang iniinom ko naman ay ang malamig na gatas. Tumayo si Jokno sa harapan ng videoke at kinanta ang take me out of dark ni Gary V.
"Palakpakan natin si Jokno kahit wala sa tono!" sigaw ni Rabby.
"CLAP! CLAP! CLAP! WOUHH!!!" palakpakan na may kasamang hiyawan.
📓📓📓
BINABASA MO ANG
DIARY NG TROPANG PROBINSYANO
Non-Fiction📓📓📓 If you're seeking for a non-fictional exciting, jolly and humorous story from a group of friends that based from their original experiences. I highly recommend to read "DIARY NG TROPANG PROBINSYANO" written by Tenrou21...